^

Punto Mo

Utak ng manok, sikreto raw sa mahabang buhay ayon sa 111-anyos na Australyano

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

IBINUNYAG ng pinakamatandang Australyano ang sikreto niya sa pagkakaroon ng mahabang buhay – ang pagkain ng utak ng manok.

Ayon sa 111-anyos na si Dexter Kruger ay napakasarap ng utak ng manok at kinakain niya raw ito ng isang kagatan lang.

Bukod raw sa pagkain ng utak ng manok ay ang pagiging malapit rin daw niya sa kalikasan at ang pamumuhay ng simple mga nagpahaba ng kanyang buhay.

Lahat daw ng kanyang kinakain ay nagmumula sa kanyang cattle farm, kung saan siya nagtrabaho hanggang noong siya’y 90 anyos na.

Ipinanganak si Kruger noong January 13, 1910 at sa haba ng kanyang buhay ay naranasan niya ang napakaraming mahahalagang pangyayari sa mundo, kabilang na ang dalawang world wars at dalawang pandemya.

CHICKEN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with