_pang-masa
^

Mag-ingat sa pag-iisyu ng postdated checks

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos (Pang-masa) - May 20, 2021 - 12:00am

Dear Attorney,

Nag-isyu po ako ng postdated checks sa aking landlord upang pambayad sa kada buwan kong renta. Ngayon po ay umalis na ako sa unit dahil hindi po ako makabayad kahit may limang buwan pang natitira sa kontrata namin. Hindi pa kami nagkakasundo ng landlord ukol sa pag-alis ko dahil ipinipilit niya na dapat ay tapusin ko ang aking kontrata. Ang ipinag-aalala ko po ngayon ay kung malalagay ba ako sa alanganin kung sakaling i-deposit pa rin ng aking landlord ang mga tsekeng inisyu ko na nasa kanya pa at tumalbog ang mga ito? —Andy

Dear Andy,

Oo, maaring pag-ugatan ng isang kriminal na kaso ang mga postdated checks na inisyu mo kung tumalbog ang mga ito matapos i-deposit ito ng iyong landlord. Simple lang kasi ang Batas Pambansa Bilang 22 o BP 22. Basta’t tumalbog ang tseke, maaring makasuhan ang nag-isyu nito kahit ano pa ang dahilan ng pagtalbog nito.

Ang BP 22 kasi ay isa sa mga krimen na kung tawagin ay “mala prohibita”. Kapag ang isang krimen ay mala prohibita, hindi mahalaga ang saloobin ng akusado at kung may intensyon ba talaga siyang labagin ang batas at gawin ang krimen.

Ang tanging titingnan lang ay kung ginawa ba niya ang lahat ng elemento ng krimen upang siya ay maparusahan sa ilalim ng batas na kanyang nilabag.

Sa kaso ng BP 22, basta’t  ikaw ay (1) nag-isyu ng tseke bilang kapalit ng anumang halaga, (2) at alam mong walang pondo para sa nasabing tseke na naging sanhi ng (3) pagkaka-dishonor o pagtalbog nito, maari kang mahabla at mapatunayang guilty sa paglabag ng BP 22.

Hindi maaring gamiting depensa ang kawalan ng intensyong manloko, o sa kaso mo, ang pag-alis mo na sa inuupahang unit. Basta’t tumalbog ang tseke at naipaalam sa iyo ang pagtalbog nito (na karaniwan ay sa pamamagitan ng pagpapadala ng demand letter) ay malakas ang magiging kaso laban sa iyo.

RENT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with