^

Punto Mo

Naulit na naman!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Noong nakaraang linggo sa ikalawang pagkakataon muling  nagkaroon ng ‘stand off ‘ sa pagitan ng mga ahente ng PDEA at ng mga tauhan ng Quezon City police sa isa na namang anti-drug operations.

Naganap ito sa  isang parking lot ng shopping mall sa Brgy. Greater Lagro sa nabanggit na lungsod.

Gaya rin ng dati, parehong may operasyon na tila at halos sa iisang  lugar ang dalawang  ahensya.

Kapwa rin umano may koordinasyon ang magkabilang  panig  sa isa’t isa,  pero naganap pa rin ang  hindi inaasahan.

Sa koordinasyon daw kasi, hindi naman specific ang ibinibigay na lugar ng operasyon,  ito naman ay para hindi masunog ang kanilang mga operasyon.

Baka nga naman mag-leak.

Halos ganito rin ang nangyari noong nakalipas na Pebrero kung saan nagpanagpo rin ang dalawang grupo at  doon talaga eh nagkapalitan ng putok kung  saan dalawang pulis ang nasawi at isang informant ng PDEA.

Maraming pag-uusap ang ginawa, para maiwasan ang ganitong sigalot sa operasyon pero muk-hang walang nangyari dahil muling naulit at ang siste sa dalawa pa ring nagkaringgan nang grupo.

Mabuti-buti na lamang sa pangalawang insidente eh walang naiulat na nasawi o nasaktan, bagama’t nasumpungan ang pagkakapikunan sa magkabilang panig.

Matapos ang insidente, may mga pag-uusap nang ginawa sa pagitan nina  PNP chief Gullermo Eleazar at PDEA Director Gen. Wilkins Villanueva,  para tuluyang maiwasan ang ganitong pamngyayari.

May mga rekomendasyon na kung sakali ‘hindi dapat magkasabay sa araw o oras ang mga isasagawang operasyon.

Sa ganito kasing pangyayari ng miscommunication  sa operasyon , aba’y ang ang labis na natutuwa eh yung mga sangkot sa droga na siya sanang target ng operasyon.

Biruin mong nakalusot na sila, napagbabag pa nila ang dalawang tropa na dapat ay siyang tutugis sa kanila.

Sana nga ay hindi na maulit ang ganitong pangyayari, kundi ang manaig eh pagtutulungan ng mga  law enforcement agency para mapigilan o matuldukan na problema sa illegal na droga sa bansa na sa mga nagaganap na karumal-dumal na krimen sa kasalukuyan, eh ito na naman ang nakikitang dahilan.

vuukle comment

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with