_pang-masa
^
EDITORYAL - Vaccine pass hindi dapat

EDITORYAL - Vaccine pass hindi dapat

(Pang-masa) - May 18, 2021 - 12:00am

IPINAPANUKALA na gawing mandatory requirement ang vaccine pass para makapasok sa mga establisimiento. Ibig sabihin bago makapasok sa alinmang establishment gaya ng malls, supermarkets, groceries, at iba pa, kailangang magpakita ng katibayan na bakunado na. Kailangang ipre­sinta ang vaccine card na nakasaad na fully vaccinated na ang indibiduwal. Kung walang maipakikita, hindi papapasukin sa loob ang sinuman na hindi pa bakunado.

Masyadong adelantado ang nagpanukala ng ganitong sistema. Hindi pa nga natatapos bakunahan ang mga health workers at mga senior citizens e gusto nang maghigpit sa mga walang bakuna. Napa­kababaw mag-isip ng kung sinumang nagpanukala ng vaccine pass.

Maski ang Department of Health (DOH) ay sinopla ang panukala. Hindi raw puwede sapagkat kahit full vaccinated na ang isang indibiduwal­ puwede pa rin siyang makapanghawa. Hindi raw dapat itong pinapanukalang vaccine pass. Sabi ni DOH Undersecretary Rosario Vergeire, hindi mag-iisyu ang kanilang kagawaran ng vaccine pass. Ayon pa kay Vergeire, magkakaroon ng diskri­minasyon kapag pinayagan ang panukalang vaccine pass.

Sinabi naman ni Presidential adviser for entrepreneurship at Go Negosyo founder Joey Concepcion na napakababa pa ng mga nababakunahan para mag-isyu ng vaccine pass. Ayon kay Concepcion, 2.6 milyon doses pa lamang ang naibabakuna at masyadong mababa pa bago maabot ang herd immunity. Hindi siya sang-ayon sa panukalang vaccine pass.

Pagtuuunan muna ng pansin ang mabilis na pagbabakuna bago ang vaccine pass. Kapag baku­nado na lahat, hindi na kailangan ang mga pases para makapasok sa alinmang establisimiento. Tutukan ang pagbabakuna lalo’t sunud-sunod nang darating ang mga vaccine. Ayon kay vaccine czar Carlito Galvez, bago matapos ang Mayo may darating­ na Pfizer at Sputnik V. At sa Hunyo, darating ang Moderna at AstraZeneca. Dadagsa ang bakuna kaya ito ang dapat pagtuunan ng pansin kung paano ma­ibibigay sa mamamayan at nang hindi masayang.

COVID-19 VACCINE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with