_pang-masa
^

Analysis sa love story ng isang lalaki

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje (Pang-masa) - May 18, 2021 - 12:00am

SAMPUNG taon nang kasal ang mag-asawang Joseph at Ladel nang maghiwalay sila. Sumama kasi sa ibang lalaki si Ladel. Dahil sa nangyari, nagpapalit-palit nang kinasamang babae si Joseph. Nakatatlong girlfriends siya hanggang ipasya na makisama sa isang babaing sampung taon ang tanda sa kanya, si Guada.

Maraming nagtaka. Ang babae ay walang ganda, walang pera, pero bakit pinakisamahan ito ni Joseph? Nanatiling big question mark ang lahat. Kahit ang mismong si Joseph ay hindi masagot ito. Minsan, sabi niya, masipag daw kasing maghanapbuhay ang babae. Basta’t marangal, kahit ang pamumulot ng basura ay kaya niyang pasukin.

Ang relasyon ng dalawa ay nagpatuloy sa kabila ng pagiging mataray, dominante, selosa, at iba pang walang urbanidad na ugali ni Guada.

Pagkaraan ng dalawang dekada, sina Joseph at Ladel ay nagkita. Noong panahong iyon, hiwalay na si Ladel sa kanyang kalaguyo. Nagkasabikan, nag-motel, nagkasundong magkabalikan ang naghiwalay na mag-asawa. Hindi nagdalawang isip na layasan ni Joseph ang matandang kinakasama na si Guada.

Karmic relationship ang nangyari kina Joseph at Guada. Tinatawag na karmic relationship ang isang pagsasama kung ang isang partner ay may masamang inuugali sa kanyang partner. Sa kanilang nakaraang buhay, maaaring sila ay magkarelasyon din ngunit ang nang-iwan ay si Guada. Hindi matatapos ang karma hangga’t hindi pinagbabayaran ni Guada ang kanyang ginawa. Sa present life, si Guada naman ang iniwan ng kanyang karelasyon kaya’t nakabayad na siya. Nagamot na ang kanyang kaluluwa. Kung mabubuhay muli sa future life ang kaluluwa ni Guada, magiging masaya na ang kanyang lovelife.

Sa kabilang dako, ang tawag sa naging relasyon nina Joseph at Ladel ay Twin flame relationship. Iba ito kaysa soulmate. Ang soulmate ay puwedeng parents mo, kapatid friend, etc. Ang twin flame soul mate ay sa romantic love lang natatagpuan. Naging magkarelasyon sila sa kanilang nakaraang buhay. Twin flame relationship ang nangyari kina Joseph at Ladel dahil sa kabila ng pagkakahiwalay at pagkakaroon ng ibang karelasyon, naroon pa rin ang pagmamahalan nila kaya nagkabalikan sila. Sa karmic relationship, walang pagbabalikang nagaganap.

 

LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with