_pang-masa
^
EDITORYAL - Tiyakin na walang masasayang na bakuna

EDITORYAL - Tiyakin na walang masasayang na bakuna

(Pang-masa) - May 17, 2021 - 12:00am

Sunud-sunod na darating ang mga bakuna ayon kay vaccine czar Carlito Galvez. Kararating lang ng Pfizer noong nakaraang Miyerkules at mayroon pang parating bago matapos ang Mayo. Inaasahan ding darating ngayong buwan ang bakuna mula sa Russia. Sa susunod na buwan paparating na ang Moderna at mayroon nang negosasyon sa Sinovac at AstraZeneca na malapit na ring dumating. Malapit na rin umanong matapos ang kasunduan sa Johnson & Johnson para sa kanilang Janssen vaccine. Ayon kay Galvez kapag naabot ang target sa mass vaccination na maaaring magsimula sa Setyembre, magiging maganda na ang Pasko para sa mga Pinoy. Sabi ni Galvez, naibakuna na ang 2.6 million doses ng vaccines laban sa COVID-19.

Kung maraming darating na bakuna, wala na palang problema. Ang magiging problema na lang ay kung paano mahihikayat ang mamamayan na magpabakuna. Sa kasalukuyan, marami pa rin ang nagdadalawang-isip magpabakuna dahil sa mga naba­balitang pagkamatay ng ilang nabakunahan. Sinabi naman ng Department of Health (DOH) na walang kaugnayan ang bakuna sa mga napabalitang namatay makaraang bakunahan.

Kung marami pa rin ang urong-sulong sa pagpapabakuna, malaking problema ito. Maaaring ma-expired ang mga bakuna na hindi magagamit. Sabi ni Philippine Red Cross chairman at Chief Executive Officer Senator Richard Gordon, nasa 1.5 million doses ng AstraZeneca ang mae-expired sa susunod na buwan. Masasayang umano ang mga ito habang marami naman ang gustong magpaba­kuna. Suhestiyon ni Gordon sa DOH na paigtingin at bilisan ang pagbabakuna. Isama na raw sa babakunahan ang mga kaanak ng health frontliners para maubos ang mga bakuna. Hindi raw ito dapat masayang.

May punto si Gordon. Bakunahan ang lahat ng mga gustong magpabakuna. Tanggapin ang mga walk-in. Marami kasing proseso at kailangang mag-online registration muna bago mabakunahan. Alisin­ na ang mga masalimuot na pagrerehistro at iba pang kuskos balungos para mabakunahan.

COVID-19 VACCINE PFIZER
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with