_pang-masa
^

GCQ na! ‘Wag nang maging pasaway pa!

RESPONDE - Gus Abelgas (Pang-masa) - May 17, 2021 - 12:00am

Ayan na nga’t inilagay na sa bahagyang maluwag na qua­rantine status ang NCR Plus,dito na naman magkakaalaman ang posibleng maging resulta nito.

Simula noong Sabado nasa general community quarantine (GCQ-with heightened restrictions) ang Metro Manila at mga karatig lalawigan nito.

Bagama’t may pinapayagan nang buksang mga negosyo ito ay sa limitado pa ring kapasidad, ang ilan naman hindi pa talaga pwede kahit na sa GCQ.

Ang curfew nandyan pa rin at mga checkpoints ng kapulisan.

Ang positibong inaasahan sa GCQ sa NCR Plus ay ang pagbabalik na ng may 200K na trabaho.

Ito rin naman ang nais at sigaw na ng mga manggagawa na sa matagal na panahon ay natigil sa kanilang paggawa.

Walang napagkunan nang pagkakakitaan para sa kanilang pamilya.

Ang GCQ, ay nauna nang inirekomenda ng mga Metro Manila mayors na kinatigan naman ni Pangulong Digong.

Binalanse ang pangangailangan ng ekonomiya at ng sa kalusugan.

Kasabay na rin kasi nito ang pagbaba na ng kaso ng COVID at ang patuloy na pag-arangkada ng mga pagbabakuna.

Inaasahan na rin na mas maraming bakuna pa ang darating sa mga susunod na araw, kaya kailangan na rin naman na sabayan ito sa pagbubukas ng ekonomiya.

Gaya nga ng sabi ng ilan, ‘di nga matitigok sa COVID, eh baka naman sa gutom bawian nang buhay.

Sa mga susunod na araw magkakaalaman na kung ganap na babalik na  tayo sa new normal o baka naman tapos ng 15-araw eh bumalik na naman tayo sa mas mahigpit quaratine dahil sa kapabayaan ng ilan.

Nasa mamamayan na ang pagpapasya kung ano ang kanilang ibig. Kung gusto nilang bumalik sa normal, makisama at ‘wag maging pasaway.

GCQ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with