^

Punto Mo

College student sa China, inaresto matapos dayain ang isang fastfood para makakain nang libre sa loob ng 6 na buwan!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

Isang 23-year-old na college student sa Jiangsu, China ang sinentensiyahan ng dalawa at kalahating taon na pagkakakulong matapos dayain at makalibre ng pagkain mula sa isang sikat na fast food restaurant na aabot sa halagang 200,000 Chinese Yuan!

Noong 2018, natuklasan ng college student, na itinago sa pangalan na “Xu”, na puwedeng makalibre ng pagkain sa nabanggit na restaurant sa tulong ng digital food voucher na nabibili sa official smartphone app ng fastfood.

Ang modus ni Xu ay bibili siya online ng digital food vouchers at ito ang gagamitin niyang pambayad kapag oorder siya sa fastfood. Kapag nakuha na niya ang pagkain at naubos na niya ito, agad niyang kina-cancel ang digital food voucher kaya nare-refund sa kanyang bank account ang binayad niya.

Anim na buwan niya itong ginawa at tinuro rin niya ito sa ilan niyang mga kakilala. Mula Abril hang­gang Oktubre 2020, umabot ng mahigit 200,000 Chinese Yuan ang nalugi sa mga branch ng fastfood kung saan nandaya at naka­libreng kain si Xu at kanyang mga kaibigan.

Dahil gamit ni Xu ang kanyang smartphone sa krimen, naging madali para sa mga awtoridad na siya’y matunton­ at maaresto.

Sinentensiyahan si Xu ng dalawa at kalahating taon ng pagkakakulong at 6,000 Chinese Yuan na multa. Habang ang apat niyang ka­ibigan ay ikukulong ng 15 buwan hanggang dalawang taon na pagkaka­kulong at pinagbabayad ng multang 4000 Chinese Yuan.

vuukle comment

CHINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with