^

Punto Mo

Kakaibang Eba (74)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“Kung magkakaroon ka ng pagkakataon, ikaw na mismo ang makipag-usap kapag nahanap sa Saudi si Maria Celia,” sabi ni Manong Berto. “Meron ka naman yatang puwedeng pakiusapan para matawagan. Mas maganda kung may kakilala ka sa Saudi.’’

Nag-isip si Piolo.

Sumabad ang kanyang mama na kanina pa nakikinig sa usapan nila ni Manong Berto.

“Tawagan mo ang iyong pinsan na Medtech – si Joy – ‘di ba nasa Riyahd siya?’’

“A oo nga si Joy. Makukuha ba natin ang phone niya Ma.’’

“Oo, tatawagan ko ang papa at mama niya. Ang alam ko kaaalis lang ni Joy last week.’’

“Sige Ma.’’

“Kapag nakuha ko ang number e tawagan mo na agad para matapos na ‘yang misteryo na ‘yan. Ako e duda rin sa Maria Celia na sinasabi mo, Piolo.’’

“Bakit ‘Ma?’’

“Basta masama ang kutob ko sa babaing ‘yun. E sino nga ‘yung isa pang babae na nakita mo rin sa Ayala Avenue.’’

‘‘Si Mariz.’’

‘‘Mukhang yang si Mariz ang mabait at kakaiba.’’

Napangiti lang si Piolo. Kung alam lang ng mama niya na “double crosser” si Mariz. Dalawang beses na niyang nahuli na may kasamang ibang lalaki sa Ayala. Paano niya tototohanin ang babaing ‘yun?

‘‘Hindi mo ba tinatawagan si Mariz, Piolo?’’

‘‘Hindi ‘Ma.’’

‘‘Tawagan mo at kawawa naman.’’

Napangiti lang si Piolo.

At saka binalingan si Manong Berto.

‘‘Kapag nakontak ko si Maria Celia, ipaaalam ko sa’yo Manong Berto. At sana mali ang hinala ko na si Maria Celia at ang engkanto ay iisa.’’

“Siyanga pala, ano ba ang apelyido ni Maria Celia?’’

‘‘Hindi ko alam, Manong. Hindi niya sinabi.’’

“Paano siya hahanapin sa Saudi e marami namang pangalang Maria Celia roon.’’

Napakamot sa ulo si Piolo.

Paano ang gagawin niya?

‘‘Bahala na Manong. Pagagawin ko ng paraan ang pinsan kong si Joy.’’ (Itutuloy)

vuukle comment

KAKAIBANG EBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with