_pang-masa
^

Karapatan ng empleyado sa vacation at sick leave

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos (Pang-masa) - May 16, 2021 - 12:00am

Dear Attorney,

Limang taon na po akong nagtatrabaho sa kompanyang pinapasukan ko pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong natatanggap na vacation o sick leave.  Hindi po ba karapatan ko bilang regular na empleyado ang magkaroon ng vacation at sick leave?—Diane

Dear Diane,

Kailangan mong tingnan ang iyong employment contract o ang inyong collective bargaining agreement (kung mayroon man) kung may nakasaad bang probisyon doon para sa pagkakaroon ng vacation at sick leave sa mga empleyado.

Wala kasing nakasaad sa Labor Code ukol sa pagbibigay ng vacation at sick leave sa mga empleyado. Sa madaling sabi, hindi karapatan ang pagkakaroon ng vacation at sick leave kung batas lang ang pagbabasehan.

Ang tungkulin lamang ng mga employer sa ilalim ng Labor Code ay ang pagbibigay sa kanilang mga empleyado ng tinatawag na “service incentive leave’’. Ang service incentive leave ay ang limang araw kada taon na bayad kahit hindi pumasok sa trabaho ang empleyado.

Kaya kailangan mong tingnan ang iyong employment contract at collective bargaining agreement (CBA) kung may karapatan ba sa vacation at sick leave ang isang empleyadong katulad mo. Maari mo ring pagbasehan ang mga matatagal nang polisiya ng inyong kompanya kung nagbibigay ba sila ng vacation at sick leave dati pa, dahil kung ganoon ay may karapatan ka na rin sa mga iyon kahit pa wala ang mga ito sa kontrata o CBA.

Kung wala talagang vacation o sick leave sa kontrata o sa CBA, at talagang hindi polisiya ng kompanya ang pagbibigay ng mga ito, tanging ang limang araw na service incentive leave sa ilalim ng ating batas ang iyong maaasahan.

SICK LEAVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with