^

Punto Mo

Lalaki sa Guatemala, nagluto ng pizza sa nagbabagang bulkan

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

SINAMANTALA ng isang lalaki sa Guatemala ang pag-aalburuto ng isang bulkan doon sa pamamagitan ng pagluluto ng pizza malapit sa lava na ibinuga nito.

Ginawang pangluto ng pizza ng 34-anyos na accountant na si David Garcia ang mga nagla-lagablab na lava mula sa Pacaya volcano, dahilan upang maging laman siya ng mga balita.

Makikita sa mga lara­wang kumalat sa social media ang kakaibang paraan ng pagluluto ng pizza ni Garcia, na nakasuot ng espesyal na kasuotan laban sa init na nagmumula sa lava. Gumagamit din siya ng espesyal na kagamitan sa pagluluto na hindi matutunaw sa halos 1,000 degree celsius na temperatura.

Dahil sa tindi ng init ay luto na kaagad ang pizza matapos lamang ang 14 minuto. Ayon kay Garcia napakasarap din daw nito dahil niluto ito sa bulkan.

Dinagsa tuloy ng mga turista ang bulkan upang makita ang kakaibang paraan ni Garcia sa pagluluto at upang makapagpa-picture kasama ang mga pizza na niluto sa bulkan.

vuukle comment

PIZZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with