_pang-masa
^

Kakaibang Eba (72)

Ronnie M. Halos (Pang-masa) - May 15, 2021 - 12:00am

NANINDIG ang balahibo ni Piolo nang marinig ang halakhak sa kabilang linya. Hindi niya mabosesan kung lalaki o babae ang nagtatawa sa kabilang linya.

Binobosesan niya kung kay Maria Celia. Pero hindi. Malayong kay Maria Celia ang halakhak.

Lakas loob na nagtanong si Piolo.

“Hello? Sino ito? Bakit ka humahalakhak?’’

Pero sa halip na sumagot, lalo pang lumakas ang halakhak. Halos mabingi siya sa lakas ng halakhak. Parang binabasag ang kanyang eardrum.

Isinara ni Piolo ang cell phone. Naninindig pa rin ang balahibo niya dahil sa halakhak na narinig niya.

Tumayo siya at lumabas ng kanyang kuwarto. Nagtungo sa kitchen at kumuha ng tubig. Uminom.

Kung narito sana si Jigo ay mayroon siyang pagkukuwentuhan pero may pinuntahan at sa isang linggo pa ang balik.

Pagkainom ay nagbalik siya sa silid. Nahiga siya. Pinilit makatulog. Pero ayaw dalawin ng antok. Parang naririnig niya ang halakhak  sa cell phone.

Hanggang maisip niya, hindi kaya engkanto ang nagtatawa. Pero patay na ang engkanto sabi ni Manong Berto.

At nasaan si Maria Celia?

Hindi kaya si Maria Celia at ang engkanto ay iisa?

Muling nanindig ang balahibo ni Piolo.

Bukas kailangang makausap niya si Manong Berto. Hindi pa tapos ang problema sa engkanto. (Itutuloy)

 

KAKAIBANG EBA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with