_pang-masa
^

Holdaper sa Hong Kong, tiklo matapos mangholdap gamit ang water gun!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - May 15, 2021 - 12:00am

DALAWANG holdaper sa Hong Kong ang nagtangkang mangholdap ng HK$200 milyon (P1.2 bil­yon) sa isang money lending firm gamit ang water gun.

Arestado ang isa sa mga holdaper samantalang tinutugis na ang kanyang kasamahan.

Ayon sa mga pulis, pumasok daw ang dalawa sa Promise lending firm branch bago magtanghali noong nakaraang Lunes. Bumunot ang isa sa mga holdaper ng water gun at hiningan ang isa sa mga staff ng HK$200 million.

Hindi naman daw natakot ang mga staff ng lending firm dahil halatang water gun lamang ang armas ng mga holdaper na kulay blue at gawa sa transparent na plastic. Dahil walang kumikilos sa mga staff, agad na umalis ang dalawa.

Makaraan ang ilang minuto, bumalik ang isa sa mga holdaper upang ituloy ang panghoholdap gamit ang water gun. Hanggang dumating ang mga pulis at naaresto ang holdaper.

Wala namang napabalitang nasaktan sa pangyayari. Ayon sa mga pulis, balak nilang isailalim ang holdaper sa psychological evaluation kahit pa wala raw itong history ng sakit sa pag-iisip.

 

 

HONG KONG
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with