_pang-masa
^
EDITORYAL â Maraming pasaway

EDITORYAL – Maraming pasaway

(Pang-masa) - May 14, 2021 - 12:00am

KAHIT nagbabala na si President Duterte sa mga pasaway dahil sa hindi pagsusuot ng face masks, marami pa rin ang matigas ang ulo. Sabi ng Presidente noong nakaraang linggo, arestuhin ang mga walang face masks at imbestigahan at saka ikulong ng siyam na oras. Pati ang mga hindi maayos ang pagsusuot ng face mask ay pinaaaresto rin. Sabi ng Presidente, naka-face mask nga pero nakalabas naman ang bibig at ilong. Halatang nababanas na ang Presidente sa dami ng mga pasaway dahilan para patuloy na dumami ang mga nahahawahan ng virus. Kahapon, mahigit 6,000 ang naireport ng DOH na kaso ng COVID.

Mula nang ipag-utos ng Presidente ang paghuli sa mga pasaway, nakahuli ng 18,000 sa unang araw nang pagpapatupad. May mga binigyan ng war-ning, pinagmulta, at ang iba ay isinailalim sa community service. Sabi ng DILG, ipatutupad nila nang buong husay ang kautusan ng Presidente laban sa mga hindi nagsusuot ng face masks at ganundin naman sa mga mali ang paraan nang pagsusuot. Sinabi rin ng DILG na mahigpit din nilang ipatutupad ang paghuli sa mga lumalabag sa mass gatherings.

Noong Linggo, isang resort sa Caloocan City     ang lumabag sa pinag-uutos ng IATF makaraang buksan ito sa publiko. Dumagsa ang tao sa Gubat sa Ciudad at naglunoy na walang pakialam kung dapuan man sila ng virus. Dikit-dikit sila at kumpul-kumpol. Ipinasara na ang resort at ayon sa report, hindi na ito makapagbubukas pa.

Maraming nagbabala na kapag hindi nasa­wata ang mga pasaway na walang face masks at mga nagkukumpul-kumpol, maaaring matulad sa India na marami ang nagkahawa-hawa at namatay.

Harinawang huwag danasin ng Pilipinas ang nangyayari sa India. At mangyayari lamang ito kung susunod sa health protocols ang mamamayan. Mag-face mask, face shield at iwasang magkumpul-kumpol. Huwag nang maging pasaway para hindi kumalat ang virus.

RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with