_pang-masa
^

Brgy. officials, sampolan sa pagpapabaya sa health protocols

RESPONDE - Gus Abelgas (Pang-masa) - May 14, 2021 - 12:00am

Kinasuhan na ang isang brgy. chairman sa Caloocan City na nakakasakop sa kontrobersiyal na resort dito na nag-operate noong Mother’s Day sa kabila na nasa MECQ pa ang Metro Manila.

Pinasususpinde rin siya ng Caloocan City Health Department sa konseho ng may 60 araw dahil sa kapabayaan.

Kinasuhan na rin ang may-ari ng resort at mga opisyal dito dahil sa hayagang paglabag sa pinaiiral na protocol.

Iyan na nga ba ang matagal na nating nababanggit, talagang hindi mapigilan ang ilan sa pagsuway.Hindi makasunod sa simpleng mga patakaran.

Sa kautusan nga ni Pangulong Digong talagang dapat na papanagutin ang mga local officials partikular ang mga barangay officials na magpapabayang maipatupad ang mga protocols sa kanilang lugar.

Kailangan kasi alam,  lalo na ng  barangay officials ang mga galaw at nangyayari sa kanyang nasasakupan.

Sila ang mas higit na dapat na nagmomonitor sa kaganapan sa kanilang lugar lalu na ngayong may krisis dahil sa  COVID pandemic.

Hindi pwede ngayon ang tutulug-tulog dahil baka biglang mabulaga.

Hindi rin pwedeng ikatwiran na hindi sila nagpapabaya at minomonitor nila ang galaw sa kanilang lugar, pero nasasalisihan sila.

Aba’y kung palagi silang nalulusutan eh ibig sabihin lang nyan hindi mahigpit ang kanilang pagbabantay o di kaya eh talagang nagbubulag-bulagan na lamang.

Sana ay maging leksyon ang insidenteng ito, na seryosohin ng mga opisyal ng pamahalaan ang pagbabantay sa pagpapatupad ng health protocols kung hindi eh magpapabalik-balik na lamang tayo sa mas mahigpit na quarantine.

Magreresulta naman ito hindi lang sa pagkalugmok sa kabuhayan ng mga indibidwal kundi maging sa   ekonomiya at negosyo.

 

CALOOCAN CITY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with