_pang-masa
^

Kakaibang Eba (71)

Ronnie M. Halos (Pang-masa) - May 14, 2021 - 12:00am

PAGSAPIT ng alas dose ng hatinggabi, dinayal ni Piolo ang number ni Maria Celia. Sumusunod siya sa instruction ni Maria Celia na alas dose ng hatinggabi tumawag. Kahit nagtataka siya kung bakit alas dose niya ito dapat tawagan, wala siyang reklamo. Basta gusto niyang kausap si Maria Celia – hindi niya alam kung bakit naaakit siya rito.

Dinayal niya ang number ni Maria Celia,

Nagring ito pero walang sumasagot.

Inulit niya.

Wala pa rin,

Sa ikatlong attempt niya iba na ang kanyang narinig. Para ungol na mayroong binabarena sa pader.

Bakit ganun?’’

Inulit niya. Pero ganun pa rin. Ugong o ungol na parang may binabarena ang narinig niya.

Pinatay niya ang cell phone.

Naisip ni Piolo na maaaring nagpalit na ng number si Maria Celia. O maaaring nasa Riyadh na ito. Ibang cell phone na ang ginagamit sa Saudi. Paano kaya niya ito matatawagan kung nagpalit na ng number. Sayang at hindi niya nakuha ang address nito. Pero paano niya makukuha ang address nito e dinidiktahan nga siya na kailangan, 12:00 midnight tatawagan.

Kinagabihan, dakong 12:00 ng hatinggabi, muli niyang dinayal ang number ni Maria Celia.

Nag-ring.

May dumampot.

Pero ganun na lamang ang pagkagulat ni Piolo dahil halakhak ang narinig niya.

At hindi niya alam kung lalaki o babae ang humahalakhak!

Kinilabutan si Piolo sa halakhak. (Itutuloy)

KAKAIBANG EBA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with