_pang-masa
^

Mga bubuyog sa netherlands, sinasanay para maka-detect ng COVID-19

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - May 14, 2021 - 12:00am

SINASANAY na nga-yon ng mga scientists sa Netherlands ang mga bubuyog upang maka-detect ng COVID-19 sa mga samples mula sa tao, sa pag-asang mapapabilis ng mga ito ang testing para sa virus.

Ayon kasi sa mga pag-aaral, matalas ang pang-amoy ng mga bubuyog, kaya naman naisip ng mga Dutch scientist na sanayin ang mga ito sa pag-detect ng mga samples na positive sa COVID-19.

Upang matuto ang mga bubuyog, binibigyan sila ng mga scientist ng premyong tubig na may asukal kapag nagagawa nilang piliin ang mga sample na may coronavirus. Wala silang natatanggap na pabuya kung negative sa COVID-19 na sample ang kanilang napipili.

Ayon sa mga scientist, makakatulong ang mga bubu-yog sa pagpapabilis ng testing para sa COVID-19.

Kung ang mga diagnostic test ngayon ay inaabot ng oras ang resulta, segundo lamang ang kakailanganin upang malaman kung infected ang isang sample sa tulong ng mga bubuyog.

Dagdag pa ng mga researchers, higit din na mas mura ang testing kung bubu-yog ang mga gagamitin.

Hindi ito ang unang beses na ginamit ang pang-amoy ng bubuyog sa pag-aaral. Noong 1990s, sinanay naman ng US National Defense ang mga bubuyog upang makaamoy ng mga pampasabog.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with