^

Punto Mo

EDITORYAL - Plastic pollution lumubha nang magka-pandemya

Pang-masa
EDITORYAL - Plastic pollution lumubha nang magka-pandemya

HINDI lang problema sa kalusugan ang idinulot ng pandemya, sinira rin nito ang kapaligiran dahil sa dami ng basurang plastic. Hindi lang basta mababang uri ng plastic ang makikitang kakalat-kalat ngayon sa maraming bahagi ng bansa kundi mga plastic na matitibay na walang pagkabulok. Makikita ang mga plastic na basura na lulutang-lutang sa dagat.

Mahigit isang taon na ang pandemya at sa tagal na ito, maraming na-produce na plastic. Nang mag-lockdown sa Luzon, bawal ang kumain sa mga restawran kaya pawang take-out ang pagkain. Pawang food delivery ang inasahan. Pawang sa plastic tray inilalagay ang mga order na pagkain. Naging abala ang mga plastic manufacturer sa paggawa ng mga plastic food tray. Habang ang ibang pabrika o mga kompanya ay tumigil sa produksiyon, ang mga plastic company ay tuluy-tuloy dahil kailangan ng mga restaurant para sa mga nagti-takeout ng pagkain.

Hindi lang plastic food trays ang naging in-demand ngayong may pandemya kundi pati na rin ang kutsara at tinidor, cup straw, stirrer at iba pang single-use plastic. Ang masaklap, ang mga plastic na ito ang nagdudulot ngayon ng problema sa kapaligiran. Dahil abala ang pamahalaan sa pagsugpo sa pagkalat ng COVID-19, nakakaligtaan na ang pangangalaga sa kapaligiran.

Mayroon bang ginagawang hakbang ang Department of Environment and Natural Resources para mapigilan ang mga walang disiplinang nagtatapon ng mga basurang plastic sa mga estero na humahantong sa dagat. Mayroon ba silang plano na ipagbawal ang paggawa ng mga single-use plastic para mapigilan ang plastic pollution.

Sa mga lungsod sa Metro Manila, tanging ang Quezon City ang may batas na nagbabawal sa paggamit ng plastic bags at single-use plastics. Nagsimulang ipinatupad ang batas noong Marso 1 ng taong ito. Sabi ni Quezon City Mayor Joy Belmonte, dapat maisakatuparan ang matagal nang hinahangad ng lungsod na mabawasan ang mga basurang plastic. Ito rin ang sagot ng lungsod sa malawakang kampanya sa buong mundo para mabawasan ang greenhouse gas emissions.

Problema ang pagdami ng mga plastic na basura lalo na ngayong may pandemya. Kapag hindi ito nasolusyunan ngayon, ga-bundok na problema ang haharapin ng bansa. Kawawa ang mga Pilipino na malulunod sa plastic na basura.

 

vuukle comment

POLLUTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with