^

Punto Mo

EDITORYAL - Kakalat ang virus dahil sa mga gahamang negosyante

Pang-masa
EDITORYAL - Kakalat ang virus dahil sa mga gahamang negosyante

MAY mga negosyanteng hindi iniisip ang kapa-kanan at kaligtasan nang nakararami. Basta ang mahalaga sa kanya ay kumita at bahala na kung kumalat man ang sakit. Balewala rin sa kanya kung malabag man niya ang ipinag-uutos ngayong may pandemya. Wala siyang pakialam at gagawin kung anuman ang gusto niya.

Ganyan ang ginawa ng may-ari ng Gubat Sa Ciudad resort sa Caloocan City. Kahit mahigpit na ipinagbabawal ang pagbubukas ng resort sa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ), binuksan niya sa publiko noong Linggo. Agad nagdagsaan ang mga tao – bata, matanda, pami-pamilya at naglunoy sa resort. Nawala na ang social distancing. Sama-sama na silang nagpalamig sa resort. Sa kuha ng mga retrato na nag-viral sa social media, makikita ang maraming tao na kampanteng-kampante na para bang walang nananalasang virus.

Pero hindi mangyayari ang ganitong senaryo kundi dahil sa pagkagahaman ng may-ari ng resort at damay din dito ang barangay chairman na may hurisdiksiyon sa lugar. Nararapat panagutin ang mga ito sa nangyaring paglabag. Ipinasara na ang resort.

Kahapon, nang kapanayamin sa Teleradyo si   Caloocan City Mayor Oscar Malapitan, hindi niya masabi kung sino at kung nasaan ang may-ari ng resort. Hindi niya alam ang pangalan ng owner. Kinansela na umano niya ang business permit ng resort. Sabi naman ng barangay chairman na si Romeo Rivera, hindi raw niya alam na nagbukas ang resort noong Linggo. Ayon pa kay Rivera, noong Abril 20 pa nila sinabihan ang mga tauhan ng resort dahil nagpapapasok ito ng mga guest.

Napalusutan ng gahamang may-ari ng resort ang mga opisyal ng Caloocan. Dahil sa kapabayaan, tiyak na kakalat ang sakit. Nararapat managot hindi lamang ang gahamang may-ari kundi pati ang mga opisyal. Nararapat nang gumawa ng hakbang ang Department of Interior and Local Government (DILG).

vuukle comment

MECQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with