^

Punto Mo

Ina sa China, nagpatayo ng footbridge para sa anak

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

DAHIL sa lubos na pag-aalala sa kaligtasan ng kanyang anak na lalaki, gumastos ang isang ina sa Henan, China ng 1 million yuan (katumbas ng P7.4 milyon) sa pagpapatayo ng footbridge sa harapan ng pinapasukan nitong eskuwelahan.

Ang babae ay kinilala lamang sa pangalan na Meng at ayon sa kanya, napilitan siyang magpatayo ng footbridge dahil sa dami ng sasakyang dumadaan sa harap ng eskwelahan ng kanyang anak.

Lagi rin daw nagbabaha sa lugar kaya madalas ay nalulub­lob sa putikan ang paa nito.

Ngayon ay tapos na ang konstruksyon ng unang footbridge na ipinagawa ni Meng samantalang ang pangalawa ay sinisimulan nang itayo.

Ayon kay Meng, hindi raw niya ikinuwento ang pagpapagawa ng mga tulay sa kanyang anak upang hindi raw ito magmayabang sa ibang mga bata.

Inulan naman ng papuri si Meng sa Chinese social media kung saan marami ang humahanga sa kanyang ginawa dahil buong komunidad ang nakinabang sa naging solusyon niya sa personal niyang problema.

vuukle comment

CHINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with