^

Punto Mo

Kakaibang Eba (68)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

TUWANG-TUWA si Piolo nang marinig ang sinabi ni Manong Berto ukol sa engkanto sa Ayala Avenue. Napalayas na raw ito. Si Jigo ay excited din na malaman ang nangyari sa engkanto.

“Paano mo napalayas, Manong?’’ tanong ni Piolo.

Ikinuwento ni Manong Berto ang mga nangyari. Walang kurap sina Piolo at Jigo habang pinakikinggan si Manong Berto.

“Nang makarinig ako ng ungol galing sa balete, agad akong dumistansiya – lumayo ako. Mga ilang segundo lang ang lumipas at nalagas lahat ang dahon ng balete. Walang natira. Para bang dinaanan ng bagyo ang puno.’’

“Bakit kaya nagkaganun Manong?’’

“Ang sabi ng lolo ko, nagwawala raw ang engkanto kapag ganun ang nangyari. Dahil sa pagwawala, nayug­yog ang puno at nalagas ang mga dahon. Kapag naubos na ang mga dahon, palatan­daan ‘yun na lumayas na ang engkanto.’’

“Salamat naman at natapos na ang misteryo sa buhay ko,’’ sabi ni Piolo na nakahinga nang maluwag.

Ikinuwento rin ni Manong Berto kina Piolo at Jigo na marami rin palang naligaw sa Ayala Avenue dahil sa eng­kanto. Karamihan daw ay mga nagtatrabaho sa gabi gaya ng call center agents at mga sekyu.

“Nagpasalamat nga sa akin ang isang guard sa kalapit na building dahil sa pagpapalayas sa engkanto. Naligaw din pala siya minsan.’’

‘‘Maraming salamat Manong. Bukas, pupuntahan namin ni Jigo ang balete.’’

‘‘Sige Piolo. Kung mayroon kang problema na may kaugnayan sa engkanto, tawa­gan mo lang ako.’’

“Opo Manong.’’

Kumuha ng pera sa pitaka­ si Piolo at ibinigay kay Manong Berto – P20,000.

“Ang dami nito, Piolo!’’

“Sige na Manong. Maliit na halaga ‘yan.’’

“Salamat Piolo.’’

Nagpaalam na sa dalawa si Manong.

 

KINABUKASAN, pinuntahan nina Piolo at Jigo ang balete sa Ayala Avenue.

Hindi sila makapani­wala sa nakita.

(Itutuloy)

 

 

vuukle comment

KAKAIBANG EBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with