_pang-masa
^

Kastilyo ni Dracula sa romania, nagba­bakuna laban sa COVID-19

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - May 11, 2021 - 12:00am

SA halip na kagat ng bampira, turok ng bakuna ang mapapala ng mga bibisita sa kastilyo ni Dracula sa Transylvania, Romania.

Nag-set up kasi ang mga medic ng COVID-19 vaccination center sa Bran Castle, na itinayo noon pang 1300s. Ang Bran Castle ang sinasabing naging inspirasyon ng tahanan ng tampok na bampira sa nobelang “Dracula”.

Libreng makakatanggap ng Pfizer na bakuna ang sinumang bibisita sa Bran Castle. Bukod doon, libre na rin ang entrance fee nila para sa isang tour ng kastilyo.

Kailangan ang gimik na ito sa Romania lalo na’t ayon sa isang pag-aaral ay isa ang Romania sa may pinakamaraming mamamayan sa European Union na hindi kampante sa pagpapabakuna.

 

 

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with