_pang-masa
^

Kakaibang Eba (67)

Ronnie M. Halos (Pang-masa) - May 10, 2021 - 12:00am

NAGTATAKANG napatingin ang guwardiya kay Manong Berto makaraang sabihin nito na wala nang maliligaw dito sa Ayala Avenue. Nakakunot ang noo na nagtanong.

“Bakit mo nasabi na wala nang maliligaw dito sa Ayala, Manong?’’

Nakangiti si Manong Ber-to nang sumagot.

‘‘Natalo ko ang ‘nakatira’ diyan sa balete na yan !’’

‘‘Natalo? Hindi ko main­tindihan Manong.’’

“May engkanto sa punong yan. Kaya maraming naliligaw at kung anu-anong misteryo ang nangyayari rito e dahil sa engkanto. Pero natalo ko siya at wala na siya riyan o maaaring natunaw na siya.’’

“Totoo Manong?’’

Tumango si Manong Berto.

“Kaya siguro nalagas ang mga dahon ng balete ay dahil sa pagpapalayas na ginawa mo, Manong.’’

“Tama ka. Binudburan ko ng asin ang paligid ng balete. Pagkatapos kung mabudburan e nakarinig ako ng ungol. Parang ungol na tulad ng hand drill. Nasaktan marahil ang engkanto.’’

“Salamat sa ginawa mo Manong. Hindi na ako matatakot mag-duty sa gabi. At tiyak na itutuloy na ang construction ng building na nasa tapat ng balete. Hindi kasi masimulan ang cons­truction dahil laging may naaaksidenteng worker.’’

“Kaya pala walang gumagawa sa building na yan.’’

“Oo, Manong. At alam mo ba na halos lahat ng guwardiya rito ay nabiktima ng engkanto? Lakad sila nang lakad hanggang sa mapagod pero hindi nila matandaan kung saan sila pupunta. At lahat ay nagsasabing nakaupo sila sa ilalim ng puno.’’

Napatangu-tango si Manong Berto.

‘‘Salamat uli sa ginawa mo, Manong.’’

KINABUKASAN, nagtungo na si Manong Berto kina Piolo. Excited na si Piolo sa ginawa ni Manong sa balete.

“Anong nangyari Manong?’’

“Tapos na ang problema mo, Piolo. Napalayas ko na ang engkanto sa Ayala.’’

(Itutuloy)

KAKAIBANG EBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with