_pang-masa
^
EDITORYAL - Pagpapatrulya ng PCG sa WPS, gawing regular

EDITORYAL - Pagpapatrulya ng PCG sa WPS, gawing regular

(Pang-masa) - May 9, 2021 - 12:00am

SABI ng grupong Pamalakaya, nagsisibalikan ang mga barko na pinaalis ng Philippine Coast Guard (PCG) noong nakaraang linggo sa Sabina Shoal. Pinatalikod lamang daw ang PCG at nagbalikan muli ang China maritime militia vessels. Kung totoo ang sinasabi ng Pamalakaya, dapat gawing regular ang pagpapatrulya ng PCG kasama ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR). Hindi dapat pabayaan ng PCG at BFAR ang teritoryo sapagkat walang karapatan ang mga Tsino roon.

Marami na ang natuwa sa ginawang pagpapaalis ng PCG sa pitong barko ng China. Ilang linggo nang mainit ang diskusyon laban sa pananatili ng mga barko ng China sa Julian Felipe Reef na nagsimulang mamataan noon pang Marso 7. Sabi ng ambassador ng China sa Pilipinas, sumisilong lang daw sa Julian Felipe Reef ang mga barko. Pero sabi ni Defense Sec. Delfin Lorenzana, hindi siya tanga para maniwalang sumisilong doon ang mga barkong Tsino. Sinabihan niyag umalis ang mga barko.

Noong nakaraang linggo, nagsalita nang masa-sakit na salita si DFA Sec. Teodoro Locsin sa kanyang twitter account patungkol sa China. Pinalalayas niya ang mga ito. Anong klaseng pagkakaibigan daw meron ang China sa Pilipinas. Maraming beses na ring naghain ng diplomatic protest ang DFA laban sa China. Bagama’t nag-sorry si Locsin sa mga sinabi, iyon daw ay para lamang sa Chinese official na counterpart niya at hindi sa China.

Regular na pagpapatrulya ang dapat pang gawin ng PCG para mapigilan ang mga barko ng China na pumasok sa exclusive economic zone (EEZ) ng bansa. Kaya naman palang paalisin ang mga barko ng China bakit hindi gawing regular ang pagpapatrulya. Walang ibang gagawa nito kundi ang PCG. Bukod sa mababantayan ang mga teritoryo, mababantayan din ang mga mangingisdang Pinoy. Maraming beses nang na-bully ang mga Pinoy ng mga Tsino. Reklamo ng mga mangingisdang Pinoy, wala silang mahuli dahil sa pananatili ng mga barko ng Tsina. Protektahan sila.

PHILIPPINE COAST GUARD WEST PHILIPPINE SEA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with