_pang-masa
^

Ehersisyo panlaban sa COVID

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo (Pang-masa) - May 9, 2021 - 12:00am

LUMITAW sa isang bagong pananaliksik na nababawasan ang tsansang magkasakit ng COVID-19 ang isang tao kung regular siyang nag-eehersisyo.

Matagal nang napatunayan sa mga pag-aaral na nakakatulong ang mga ehersisyo para lumakas ang resistensiya ng isang tao at makaiwas sa ilang mga sakit tulad  sa diabetes, sakit sa puso, hypertension, stroke  at iba pa. Sa bagong pananaliksik, lumitaw na nakakatulong din ang ehersisyo laban sa COVID.

Sa isang bagong pag-aaral na nalathala sa British Journal of Sports Medicine kamakailan, natuklasan na ang mga pasyenteng may COVID  at  lagi o regular na nag-eehersisyo bago pa  nagkasakit ay malamang hindi maospital, hindi maipapasok sa ICU at hindi mamatay dahil sa kanilang sakit.

Nagsagawa ng naturang pag-aaral ang mga researcher at physicians ng Kaiser Permanente Fontana Medical Center in Southern California, University of California, San Diego, at ibang institusyon.

Tiningnan sa pag-aaral ang datos mula sa halos 50,000 adult patient sa California na natuklasang may COVID mula Enero 2020 hanggang katapusan ng Oktubre 2020. Maaaring may reserbasyon dito lalo pa at sa isang lugar lang ginawa ang pag-aaral pero nagbibigay naman ito ng dagdag na pag-asa at kaalaman kung paano maaaring makakaiwas sa COVID bukod pa sa pagsunod sa mga health protocol tulad ng social distancing, pagsusuot ng face mask o face shield, paghuhugas ng mga kamay, pananatili sa bahay hangga’t maaari at iba pa.

Sa isang ulat sa CNBC Make It, sinabi ni  Dr. Robert E. Sallis, isang family and sports medicine doctor sa Kaiser Permanente Fontana Medical Center na nagsagawa ng pag-aaral, na ang kawalan ng aktibidad ay lubhang kunektado sa mas  malaking tsansa na maospital, maratay sa ICU, at kamatayan kumpara sa moderate physical activity o anumang aktibidad.

Anong ehersisyo ang puwedeng gawin? Iminungkahi ni Sallis na ang mga adult ay dapat meron man lang 150 minuto hanggang 300 minuto kada linggo na moderate-intensity physical activity, o  75 minutes to 150 minutes a week of vigorous-intensity aerobic physical activity.” Gayunman, idinagdag niya na kahit ang mga basic recommended level na exercise tulad ng paglalakad nang 30 minuto bawat araw, limang araw sa isang linggo, ay sapat na para matulungan ang iyong katawan na makalaban sa ilang klase ng sakit kabilang na ang COVID-19.

Lumabas din sa isang hiwalay na pag-aaral ng National Institute of Health sa U.S. na ang regular na ehersisyo ay nagpapalakas sa immune-system response na maaaring maging kasangkapan sa pagtulong laban sa COVID-19.

Pero nagpapaalala ang mga researcher na hindi porke malakas ka ay protektado ka sa virus,  May mga kaso ng mga aktibong tao na nagkasakit ng COVID at inabot ng ilang  buwan bago gumaling kaya mahalagang sumunod sa health protocols. 

-oooooo-

Email: rmb2012x@gmail.com

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with