_pang-masa
^

Babae sa Mali, nanganak ng siyam na sanggol!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - May 9, 2021 - 12:00am

PAMBIHIRA ang naging panganganak ng isang babae mula sa West African nation na Mali matapos siyang magluwal ng nonuplets o siyam na sanggol.

Nagbubuntis pa lamang ay nakilala kaagad sa Mali ang 25-anyos na si Halima Cisse dahil sa dami ng kanyang ipinagbubuntis kaya noong kabuwanan na niya ay inilipad siya papuntang Morocoo upang masiguradong magiging ligtas ang kanyang panganganak.

Nasa mabuting kalagayan naman ngayon si Cisse matapos niyang mailuwal ang limang babae at apat na lalaki, ayon sa pahayag ng health minister ng Mali.

Lahat ay ipinanganak sa pamamagitan ng caesarian section.

Napaka-pambihira ng mga nonuplets dahil sa komplikasyon na dulot ng pagkakaroon ng siyam sa sinapupunan. Mas lalo ring pambihira ang kaso ni Cisse dahil ang lahat ng siyam niyang sanggol ay nabuhay sa panganganak.

Inaasahang makakauwi si Cisse at ang kanyang siyam na supling matapos ang ilang linggo sa ospital.

SANGGOL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with