_pang-masa
^

Sampolan na ang mga ‘pasaway’

RESPONDE - Gus Abelgas (Pang-masa) - May 7, 2021 - 12:00am

Eto ha, galit na si Pangulong Digong sa mga ‘pasaway’ sa face mask.

Ipinag-utos kahapon ng Pangulo ang pag-aresto sa mga  lumalabag dito maging ang mga hindi tamang pagsusuot nito.

Medyo nairita na marahil ang Pangulo, dahil nga naman sa mahigit isang taon ang pakikipaglaban sa pandemya sa COVID, marami pa rin ang tila walang pakialam at patuloy sa pagbalewala sa mga ipinatutupad na protocols.

Meron pa rin hanggang sa ngayon na may gamit man na face mask eh hindi naman magawang isuot ito ng tama.

Hindi malaman kung ano ang tinatakpan kung yung baba o ano. Meron naman may suot nga iiwan pang takpan ang ilong. 

O hindi ba’t pasaway!

Kailangang mabigyan umano ng leksyon ang mga ganitong pasaway, yan ang nais ng Pangulo para nga naman madala at hindi na makapaghasik pa ng ‘lagim’o makapanghawa o mahawa  siya sa virus.

Sa tono ng Pangulo, nagparamdam na rin ito na sadyang paubos na talaga ang pondo ng gobyerno at baka hindi na talaga kayanin pang magbigay ng ayuda sakaling lumala pa ang sitwasyon o ang laban sa COVID.

Ang pagsunod kasi sa pinaiiral na health protocols ang pangunahing paraan para mabawasan ang hawaan at mabawasan ang bilang nang nagtataglay nito.

Sa simpleng pagsunod, malaki ang maitutulong sa laban sa COVID.

Bakit kailangan pang maging pabaya, gayung matagal na panahon na rin ang nararanasang hirap sa pandemya.

Marahil ay dapat na ngang maturuan ang mga pasaway, na tila dumarami na rin sa kasalukuyan.

FACE MASK
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with