_pang-masa
^

Kakaibiang Eba (64)

Ronnie M. Halos (Pang-masa) - May 7, 2021 - 12:00am

“ASIN lang. Binigyan ako ng aking Lolo Kandoy ng asin na dinasalan niya. Subok na niya ang bisa ng asin sa mabagsik na engkanto,’’ sabi ni Manong Berto at ipinakita ang supot na tela na may nakalagay na asin. Mga isang kilo marahil ang laman ng supot.

“Paano po ang gagawin sa asin, Manong Berto?” tanong ni Piolo.

“Ilalagay o ibububod sa paligid ng punong balete. Kailangan ay ibubod pabilog ang asin. Para bang kukulungin ang balete para hindi makalabas ang engkanto.’’

“Kailan mo gagawin ang pagbubod ng asin, Manong?’’ tanong uli ni Piolo.

“Mamayang alas tres ng hapon. Sabi ng lolo ko, eksaktong alas tres gawin dahil sa oras na yun mahimbing ang tulog ng engkanto. Hindi dapat lumampas ng alas tres sapagkat maaaring nasa labas ng balete ang engkanto. Kailangan, makulong ito sa loob hanggang sa maglaho nang tulu-yan.’’

“Paano po masisigu­ro na nakulong nga ang engkanto sa balete pagkaraang lagyan ng asin ang paligid ng puno?’’

“Matu­tuyo ang balete hanggang sa mamatay.’’

“Ganunm pala.’’

“Kaya mamayang alas tres, isasagawa ko na ang pagbububod ng asin. Pinaalala lamang sa akin ni Lolo Kandoy na siguruhin na maganda ang panahon sa paglalagay ng asin. Kapag naulanan ang asin, wala na itong bisa. Matutunaw na. Kailangan ko na namang bumalik sa Socorro.’’

“Palagay ko maganda ang panahon, Manong.’’

“Sa tingin ko nga, Pio­lo.’’

“Kailangan pa naming sumama ni Jigo sa pagtungo mo roon, Manong?’’

“Hindi na. Paalala ni Lolo Kandoy, huwag na huwag akong magsasama. Mabangis daw ang engkanto at maaaring makawala sa balete kapag nabulabog. May pagkakataon na mababaw ang tulog nito. Ako na lang ang pupunta para magbudbod ng asin. Babalitaan ko na lang kayo bukas ng umaga.’’

“Sige Manong. Mag-ingat ka.’’ (Itutuloy)

TRUE CONFESSION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with