_pang-masa
^

Doktor at 3 nurse, nagtulung-tulong sa pagpapaanak habang nasa flight

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - May 7, 2021 - 12:00am

MASUWERTE ang isang babaing nanganak ng di-oras sa isang flight pa-Hawaii dahil may isang doktor at tatlong nurse siyang kasabay sa biyahe na pawang mga sanay sa pagpapaanak.

Nanganak matapos lamang ng 29 linggong pagbubuntis si Lavinia Mounga habang sakay siya ng Delta flight mula Utah papuntang Honolulu.

Mabuti na lamang at lulan din ng biyahe si Dr. Dale Glenn at mga nurse na sina Lani Bamfield, Amanda Beeding at Mimi Ho na pawang mga bihasa sa pag-aalaga ng mga premature na sanggol.

Mabilis namang nailuwal ang sanggol matapos magtulungan ang doktor at ang tatlong nurse sa pagpapaanak kay Mounga. Agad ding inasikaso ng tatlong nurse ang baby.

Hindi naman makapaniwala si Dr. Glenn sa pagiging masuwerte ni Mounga sa pagkakaroon ng mga kapwa pasahero na sanay sa pag-aalaga ng premature na sanggol.

Pagka-landing ng eroplano, agad na itinakbo sa ospital ang mag-ina. Ni-release rin kaagad si Mounga ngunit ang sanggol ay inoobserbahan pa upang matukoy ang kalusugan nito.

ANAK
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with