^

‘Tamang duda’, mawawala sa body camera

RESPONDE - Gus Abelgas (Pang-masa) - May 5, 2021 - 12:00am

Ngayong ipinamamahagi na sa mga istasyon ng pulisya partikular sa National Capital Region (NCR) ang mga nabiling body cameras, inaasahang mababawasan na ang mga ‘tamang-hinala’ sa mga operasyon ng pulisya.

Matagal nang panahon at maraming ulit na kinuwestiyon at pinagdudahan ang ilang operasyon ng pulisya, ngayon sa pamamagitan ng mga suot na body cam, ito na ang magsisilbing mata at ebidensya sa mga operasyon.

Mapapalakas din nito ang transparency sa police operations. Malaking bagay ito para mawala ang madalas na duda sa pagtatanim ng ebidensya at summary executions.

Pinaplantsa na umano ang mga pagpipinal sa ipapatupad na protocol para magamit ang kuha sa video bilang ebidensya sa korte.

Ang mga body cam na unang ikakalat sa NCR ay bahagi sa mahigit 2,000 body camera na binili ng PNP sa halagang P289 milyon.

Bawat himpilan ng pulisya sa buong bansa ay tatanggap ng mga body camera.

Kailangan din naman na mabantayan ang mga gagamit nito, baka naman kasi ang maging dahilan dito ay ang hindi kasanayan sa paggamit. 

Dapat ding masiguro na lagi itong naka-on sa tuwing suot-suot ng operatiba lalu sa pagsasagawa ng misyon o operasyon.

Baka kasi naman ang lumabas eh maging pamaluti lamang at hindi magamit sa taman kaukulan.

BODY CAMERA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with