^

Chubby Anonymous’,ituloy! – Sinas

SUPALPAL - Non Alquitran (Pang-masa) - May 5, 2021 - 12:00am

SANDAMAKMAK ang accomplishments ni outgoing Philippine National Police (PNP) chief Debold Sinas laban sa droga, kriminalidad, corruption at terorismo subalit ang hini­hingi niyang ipagpatuloy ng papalit sa kanya ay ang programang pag­bawas ng timbang ng kapulisan. Si Sinas ay namalagi sa trono ng PNP ng halos humigit-kumulang anim ba buwan. Magreretiro na siya sa Sabado (Mayo 8).

Ayaw makialam ni Sinas kung anong programa niya ang dapat ipagpatuloy ng papalit sa kanya maliban sa “Oplan Chubby Anonymous” kung saan ang layunin ay ang pagbawas ng timbang ng mga pulis para physically fit sila sa pagpatupad ng kanilang trabaho. Mismooooo!

Tikom ang bibig ni Sinas kung sino ang papalit sa kanya subalit kumalat sa social media na ang inendorso ni Interior Seccretary Eduardo Año kay President Digong na bagong PNP chief ay si Lt. Gen. Guillermo Eleazar, ang Deputy for Administration (DCA) ng PNP. Kulang na lang ianunsiyo ng Palasyo ang appointment ni Eleazar dahil ang balita ay napirmahan na ito ni President Digong. Araguuyyyy! Hak hak hak! May nabalitaan ba kayong komokontra sa appointment ni Eleazar, ha mga kosa?

Kaya naman isinusulong ni Sinas ang “Chubby Anonymous” na programa niya dahil nabawasan pala siya ng 72 lbs. sa limang buwan niyang pagdidiyeta.

“I’m encouraging them and who will be the next Chief PNP to continue the program by the word Chubby Anonymous is hindi bulgar hindi mamahiya sila-sila nag-uusap. My program is five months kaya ako lumabas to encourage them (the volunteer cops) 8 weeks or two months (but) they already lost 22 kilos yung converted yan (for me) 32 kilos. I’m trying to lose more,” ani Sinas sa kanyang huling press briefing nung Lunes. “Just to show to them if we continue the program lets say from five months just like what I did mas lalong gaganda, gagaan ang pakiramdam at maging presentable at hind na mahihiya. I’m very proud sa ginawa namin sa Chubby Anonymous kung mapansin n’yo ang target lang is Obese,” ang dagdag pa ni Sinas. 

Sa naturang briefing, ipiniresenta ni Sinas ang 20 volunteer cops na nakapagbawas nang malaking timbang sa loob lamang ng dalawang buwan na pag-eensayo. Hindi lang naman kasi ang target ng programa ang mga pulis sa Camp Crame kundi maging sa NCRPO. Balak din sanang ipatupad ito ni Sinas sa ibang rehiyon subalit kinapos na siya ng oras. Araguuyyyy! Maganda ang layunin ng programang ito ni Sinas kaya nararapat lang na ipagpatuloy ito, di ba mga kosa?

Hindi naman pilitan ang programa dahil ang primary target lang ay ang matatabang mga pulis, na halos hindi na makakilos sa kabundatan. Iginiit ni Sinas na kapag mataba ang isang pulis, aba malaki ang posibilidad na may sakit siya kaya’t ang isa sa mabisang pangontra rito ay ang pag-ehersisyo. Ang gagawin lang ay magsagawa ng four-minute na ehersisyo sa umaga at ganundin sa hapon.

Ayon kay Sinas ang coaches ng programa, at maging siya ay ipagpatuloy ito kahit retirado na siya at kung may panahon ay bibisita sila sa Camp Crame, kung may sapat na panahon sila. Dapat ipagpatuloy ni Gen. Eleazar ang magandang sinimulan ni Sinas at kung maari ay i-expand pa n’ya, di ba mga kosa? Mismooooo! Abangan!

DEBOLD SINAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with