^

Kakaibiang Eba (62)

Ronnie M. Halos (Pang-masa) - May 5, 2021 - 12:00am

NAGMAMADALI sa paglalakad pabalik si Manong Berto sa kinaroroonan nina Piolo at Jigo.

Sina Piolo at Jigo ay halos hindi humihinga kung ano ang ibabalita ni Manong Berto. Halata nila na tense ang ekspresyon ng mukha ng sekyu. Mukhang may problema ito.

“Anong nangyari Ma­nong Berto?’’ tanong ni Piolo nang makalapit ito sa kanila.

“Delikado, Piolo! Mabagsik ang engkantong na­nanahan sa baleteng ‘yun,’’ sagot ni Manong Berto na hinahabol ang paghinga.

“Umalis na muna tayo rito!’’

Kinabahan sina Piolo at Jigo.

“Tayo na po Manong Berto!’’ sabi ni Piolo at kina­wayan ang paparating na taxi. Lumapit ang taxi.

Sumakay sila at nagpahatid sa bahay nina Piolo.

Nang makarating sila sa bahay sinalubong agad sila ng mama ni Piolo.

‘‘Anong nangyari sa lakad n’yo, Piolo?’’

“May engkanto nga sa Ayala Avenue, ‘Ma. Pinaglalaruan ako, sabi ni Manong Berto.’’

‘‘Sabi ko na nga ba. O e anong gagawin n’yo ngayon?’’

Si Manong Berto ang sumagot.

“Medyo mabagsik po Mam itong engkanto sa Ayala Avenue.’’

“Mabagsik? Paanong mabagsik?’’

“Lumalapit pa lang po ako sa tirahan nitong balete ay masama na ang nararamdaman ko. Hindi ako makahinga at nawawala na ako sa wisyo. Mukhang hindi uubra ang nalalaman ko sa engkantong ‘yun. Kaya po niyaya ko na sina Piolo. Delikado pong manatili sa malapit sa balete.’’

‘‘Ano ang balak mo nga­yon?’’

‘‘Pag-aaralan ko pa po Mam.’’

‘‘Sige ikaw na ang bahala. Pero kung malalagay ang sarili mo sa panganib e huwag mo nang ituloy.’’

“Opo Mam. Pero mayroon po akong lalapitan para kunsultahin. Ang akin pong lolo na malapit nang mag-100 ang edad ay may nalalaman din sa mga galaw ng engkanto. Pero kaila­ngan ko pa pong puntahan siya sa Socorro – sa bayan namin.’’

‘‘Sige. Si Piolo na ang bahala sa mga gagastusin mo. Mag-ingat ka lang.’’

‘‘Salamat Mam!’’

Kinausap ni Piolo si Manong Berto.

‘‘Babayaran kita kahit magkano Manong Berto basta malutas lang ang misteryo na ginagawa ng engkanto. Kailan ka uuwi sa Socorro para makausap ang lolo mo?’’

“Bukas magpa-file ako ng leave, Piolo.’’

Dinukot ni Piolo ang kanyang pitaka. Kumuha ng P10,000.

“Okey na ba ang diyes mil?’’

“Naku sobra-sobra ito!’’  (Itutuloy)

TRUE CONFESSION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with