^

Pinakamabigat na mangga, matatagpuan sa Colombia

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - May 5, 2021 - 12:00am

NAAGAW na ng Colombia mula sa Pili­pinas ang world record para sa pinakamabigat na mangga sa mundo.

Dalawang Colombian farmers ang nakapagpa­tubo ng manggang may bigat na 9.36 pounds o higit apat na kilo. Sina German Orlando Novoa Barrera at Reina Maria Marroquin ang nagpatubo sa mangga sa kanilang sariling farm sa Boyaca, Guayata.

Ayon sa dalawa, alam na nilang magiging mabigat ang mangga dahil kapansin-pansin ang laki nito kumpara sa mga kasabay nitong bunga.

Ang anak ni Barrera ang nagbigay ng ideya sa kanila na ipaalam sa Guinness ang kanilang kakaibang mangga matapos niyang imungkahi na timbangin ito matapos nilang pitasin.

Tama nga ang kanilang naging desisyon dahil nakuha ng kanilang 9.36-pound na mangga ang titulo ng world’s heaviest mula sa 7.57-pound mangga­ na galing sa Pilipinas noong 2009.

MANGO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with