^

Makakasuhan ba kaagad kapag tumalbog ang tseke?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos (Pang-masa) - May 4, 2021 - 12:00am

Dear Attorney,

Nag-isyu po ako ng post-dated checks sa aking landlord bilang pambayad ng aking renta. Dahil kulang po ang kinikita ko ngayon ay nag-aalangan po ako na baka tumalbog ang ilan sa mga tsekeng inisyu ko. Makakasuhan po ba ako kaagad kapag nangyari iyon? —Mae

Dear Mae,

Ang pag-iisyu ng tumalbog ng tseke ay maaring maging dahilan upang ikaw ay mahabla ng estafa o ng paglabag sa Batas Pambansa bilang 22 (BP 22).

Ngunit hindi naman ibig sabihin nito ay may sala ka na kaagad matapos tumalbog ang tsekeng inisyu mo.Kailangang malaman muna kasi ng nag-isyu ang pagtalbog ng kanyang tseke bago siya maturingang guilty.

Sa ilalim kasi ng BP 22, binibigyan ang nag-isyu ng limang araw para magbayad matapos niyang malaman ang pagtalbog ng kanyang tseke.

Binibigyan din ng palugit ang nag-isyu ng tseke pagdating sa estafa ngunit sa halip na lima ay may tatlong araw lamang ang nag-isyu upang mabayaran ang halaga ng tseke matapos niyang malaman ang pagtalbog nito.

Base sa mga nabanggit, hindi ka kaagad matatawag na guilty ng estafa o ng paglabag sa BP 22 kapag tumalbog ang tseke mo.

May tatlo hanggang limang araw ka pa matapos mong malaman ang pagtalbog ng iyong tseke (na karaniwan ay sa pamamagitan ng demand letter) upang mabayaran ang halaga nito bago masabing may sala ka na sa ilalim ng batas.

 

BOUNCE CHECKE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with