^

Punto Mo

EDITORYAL – Protektahan ang daigdig

Pang-masa
EDITORYAL � Protektahan ang daigdig

NOONG Huwebes ay ipinagdiwang ang Earth Day na may temang “Ibalik ang ating Daigdig”. Mahigit 1 bilyong katao sa 192 bansa ang nakiisa sa pagdiriwang ng Earth Day. Unang pinagdiwang ang Earth Day noong Abril 1970.

Sa tema ngayon ng pagdiriwang ng Earth Day na “Ibalik ang ating Daigdig” makikita na maraming nawala sa tinitirahang daigdig. Maraming nasalaula at nasira. Hindi naprotektahan. Inabuso ang kapaligiran at kalikasan na naging dahilan ng climate change. Lumala ang mga pagbaha dahil sa walang patumanggang pagpuputol ng mga punong kahoy sa kabundukan. Naguho ang mga bundok dahil sa iresponsableng pagmimina. Maraming lamandagat particular ang mga balyena ang namamatay dahil nakakakain nang itinapong basura sa estero at mga ilog na humahantong sa karagatan.

Maraming paraan para makatulong na maibalik ang dating daigdig. Ang pinakamadaling paraan at magagawa ng sinuman ay maging resposable sa pagtatapon ng mga single-use plastic. Sa kasalukuyan, isa ang Pilipinas sa mga bansa sa Southeast Asia na pinakamaraming plastic na basura at humahantong ang mga ito sa dagat.

Kabilang sa mga basurang plastic na makikita sa Manila Bay at mga sache ng kape, shampoo, catsup at toothpaste, cup ng noodles, plastic shopping bags, sando plastic bags at marami pang iba. Tuwing may bagyo at malalaki ang alon sa Manila Bay, ang mga basurang plastic na itinapon ay isinusukang pabalik nang malalaking alon.

Kung magiging responsible ang mamamayan sa pagtatapon ng plastic na basura, malaki ang maitutulong para maprotektahan ang mundong kinalalagyan.

Kailangang magkaisa at magtulung-tulong para maibalik ang dating mundo. Kailangan ang malusog na mundo para masuportahan ang pinagkukunan ng ikabubuhay. Kung patuloy na wawasakin, walang ibang kawawa kundi ang ang mga tao na rin.

Protektahan ang daigdig.

vuukle comment

EARTH DAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with