^

Punto Mo

EDITORYAL - Hihintayin munang maghukay ng langis

Pang-masa
EDITORYAL - Hihintayin munang maghukay ng langis

KUNG isda lamang ang pagsisimulan ng away ng Pilipinas at China, hindi ito papayagan ni President Duterte. Hindi masyadong mahalaga sa kanya ang pangingisda at hindi niya hahayaaan na ito ang maging dahilan para masira ang pakiki-pagkaibigan sa China. Pero kung langis at iba pang mineral na ang huhukayin ng China, magpapadala na siya ng barkong pandigma sa West Philippine Sea at sasabihin na pag-aari iyon ng Pilipinas.

Sinabi rin ni Duterte na walang dahilan para kumilos ngayon ang gobyerno dahil lamang sa ginawang paghabol ng China Coast Guard sa vessel na sinasakyan ng TV journalist noong nakaraang linggo. Ipaaalala   raw niya kay Chinese President Xi Jinping ang na­pagkasunduan nila na wala munang magmimina ng langis. Sa ngayon daw, okey lang kung maghabulan o maglaro ang Philippine Coast Guard at China Coast Guard para malaman kung sino ang matulin.

Sa pahayag ng Presidente na hihintayin munang maghukay ng langis ang China bago siya kumilos, wala na talagang aasahang aksiyon ngayon kahit pa nakahimpil na ang maraming Chinese vessels sa WPS. Kahit pa ubusin ang isda, giant clams (taklobo) at magkasira-sira ang corals sa lugar, balewala sa kanya.

Sa ganitong senaryo, manganganib na masimot ang isda sa WPS at wala nang mapagkukunan ng pagkaingdagat ang mga Pinoy. Noong nakaraang linggo lang, sinabi ng mga mangingisda sa Zambales na wala na silang mahuling isda dahil sa ginagawang pangingisda ng mga Chinese. Saan pupulutin ang mga kawawang Pinoy?

 

vuukle comment

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with