^

Punto Mo

Paumanhin sa INC

Pang-masa

Sa ngalan ng management ng Pang-Masa (PM), taos-puso po kaming humihingi ng paumanhin sa Iglesia Ni Cristo (INC) sa nalathalang artikulo sa kolum na “Isyu at Banat” ni Ed De Leon na may kaugnayan sa same sex marriage.

Isa pong malaking pagkakamali kung saan nabanggit ang INC na ayon sa nalathalang kolum ay sumusuporta at tanging nagsasagawa ng same sex marriage sa Pilipinas.

Naniniwala po kami at batid ng management ng pahayagang ito na noon pa man at hindi kailan man pumabor sa same sex marriage ang INC, lalo’t higit, hindi ito nakapagsagawa kahit isa man ng ganitong uri ng kasal.

Naniniwala rin kami sa patas na pamamahayag na hindi nasumpungan sa pagkakataong kung saan hindi nakuha ang panig o opinyon ng INC tungkol dito.

Wala po kaming layunin na ilagay sa kahihiyan ang INC dahil sa mataas na respeto at pagkilala sa inyong relihiyon. 

Sa panig ng aming pangasiwaan, umasa po kayo na gumagawa na kami ng kaukulang hakbang at pag-aksiyon upang hindi na maulit ang ganitong pangyayari.

Muli po ang aming paghingi ng paumanhin sa INC.

 

vuukle comment

IGLESIA NI CRISTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with