^

Punto Mo

Kakaibang Eba (50)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

‘‘SIGE, Manong, aalis na po kami. Ano ngang pangalan mo Manong?’’ tanong ni Piolo.

“Berto.’’

“Salamat Manong Berto. Kapag may problema, tawagan kita ha?’’

“Oo. Sige alis na kayo. Alalayan mo yang kasama mo at mukhang sutil. Nagbabala na ako e ayaw pang sumunod. Mabagsik ang nagtatanod sa punong balete baka akala niya!’’

“Pagpasensiyahan mo na Manong.’’

“Sige bilisan n’yo ang paglabas dito. Kapag nakalabas ka na, saka mo ayusin o ibalik ang pagkakasuot sa damit mo.’’

“Salamat Manong!’’

Mabilis na naglakad si Piolo palabas ng compound ng school. Hinabol niya si Jigo na napakabilis maglakad. Sobrang bilis maglakad. Siguro’y gustong ipakita sa sekyu na si Berto na kalokohan lamang ang pagbaliktad ng damit para hindi maligaw sa dadaanan.

Binilisan din ni Piolo ang paglalakad. Hanggang sa makarating siya sa gate at nakalabas nang maayos. Hindi siya naligaw. Agad niyang ibinalik sa ayos ang kanyang polo.

Nang maibalik niya ang tamang pagkakasuot ng damit saka niya naalala si Jigo.

Nasaan na si Jigo?

Nasa unahan niya ito kanina at mabilis na naglalakad. Bakit wala rito sa unahan ng gate?

Dito sila dapat magkita dahil ito ang exit.

Pinagmasdan niya ang kapaligiran. Wala rito si Jigo!

“Jigoo! Jigooo!’’ tawag niya.

Walang sagot.

Baka naman nauna nang umuwi?

Imposible. Usapan nila na ilang araw itong titira sa kanila dahil wala nang kamag-anak dito si Jigo. Wala na rin siyang uuwiang bahay dahil naipagbili na nila. Kaya sa hotel nakatira si Jigo mula nang dumating mula sa Sydney.

Kinabahan si Piolo.

Hindi kaya naenkanto si Jigo?

Naligaw ng daan?

Muli niya itong tinawag at bakasakaling marinig siya. Pero walang sumasagot sa tawag niya. Lalong lumakas ang kaba ni Piolo. (Itutuloy)

 

vuukle comment

KAKAIBANG EBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with