^

Kompanyang nasa floating status ang mga empleyado, maaari bang mag-hire ng mga panibagong empleyado?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos (Pang-masa) - April 22, 2021 - 12:00am

Dear Attorney,

Isa po ako sa mga emple­yadong inilagay sa floating status ng aking kompanya simula noon pang isang taon dahil sa pandemya. Nabalitaan ko kamakailan na nag-hire ang kompanya namin ng mga bagong empleyado. Gusto ko pong malaman kung maari po ba ito kahit mayroon namang mga katulad ko na inilagay nila sa floating status at naghihintay na makapasok muli sa trabaho.—Rodel

Dear Rodel,

Naka-depende ang kasagutan sa kung ano ba ang trabaho ng mga bagong empleyado na kaka-hire lang ng iyong kompanya. Kung ang trabaho nila ay iba sa trabaho mo at ng iba pang katulad mo na inilagay sa floating status, masasabing  “in good faith” o walang masamang hangarin ang ginawa nilang hiring dahil wala naman sa mga empleyadong nasa floating status ang makakagawa ng trabaho nila.

Ibang usapan na kung ang trabaho ng mga bagong emple­yado ay katulad rin ng trabaho niyong mga nasa floating status.

Ayon sa Korte Suprema sa Innodata Knowledge Services Inc. vs. Inting (G.R. No. 211892, December 06, 2017), kapag inilagay sa floating status ang mga empleyado, ibig sabihin ay mas maraming manggagawa kaysa sa trabahong maaring ipagawa kaya walang dahilan ang isang employer na kumuha ng mga karagdagang empleyado kung mayroon pa siyang mga empleyado na nasa floating status pa.

Kung ang trabaho ng mga bagong hire sa inyong kompanya ay kapareho lamang ng trabaho n’yong nasa floating status pa, maaring ipagpalagay na hindi na “in good faith” ang paglalagay sa inyo sa floating status. Maaring maging basehan iyan ng pagsasampa ng reklamo dahil may posibilidad na hindi na dahil sa kahinaan ng negosyo ang pananatili ninyo sa floating status at ginagamit na lamang itong dahilan ng employer para kayo ay matanggal sa pamamagitan ng “constructive dismissal” o hindi diretsahang pagsisisante at upang makatakas sila sa mga obligasyon nila sa ilalim ng Labor Code.   

EMPLOYEE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with