^

Kakaibang Eba (49)

Ronnie M. Halos (Pang-masa) - April 22, 2021 - 12:00am

“NA-ENGKANTO tayo, Manong?’’ tanong ni Piolo.

Si Jigo na hindi naniniwala sa engkanto ay nakatingin lang sa sekyu. May pagdududa siya.

“Oo naenkanto tayong tatlo!’’ sabi ng sekyu.

“Anong gagawin namin, Manong?’’ tanong ni Piolo.

“Baliktarin ang inyong mga damit! Dali!’’

“Bakit Manong?’’ tanong ni Piolo.

“Para makalabas kayo rito sa compound ng school. Kapag hindi n’yo ginawa yan, magpapaikut-ikot lang kayo rito at hindi n’yo makikita ang daan palabas. Mapapagod lang kayo sa kalalakad at dito rin sa punong balete kayo babagsak. ’’

“Ganun ba Manong?’’

“Oo. Baliktarin n’yo na ang damit.’’

Hinubad ni Piolo ang damit at binaliktad saka isinuot.

Pero si Jigo ay nakatingin lang kay Piolo at tatawa-tawa. Hindi ito naniniwala sa sinabi ng sekyu.

“O Jigo, hubarin mo na ang damit mo at baliktarin para makalabas na tayo rito. Sabi ko na nga ba’t may enganto rito.’’

“Hindi ako naniniwala Piolo. Makakalabas tayo rito sa compound kahit hindi baliktarin ang damit.’’

Pero mapilit ang sekyu na dapat sumunod si Jigo.

‘‘Baliktarin mo na. Epektib yan para hindi ka maligaw sa paglabas.’’

‘‘Hindi ako naniniwala Manong, tayo na Piolo.’’

“Sige ikaw ang bahala. Binigyan na kita ng babala,’’ sabi ng sekyu.

“Manong kunin ko nga ang cell number mo at baka kailanganin kita. Mukhang may nalalaman ka sa engkanto.’’

“May kaunti akong alam. Etong number ko.’’

Kinuha ni Piolo.

Pagkatapos ay pinaalala-hanan muli si Jigo.

“O ayaw mo talagang baliktarin ang damit mo?’’

Sa halip sumagot, nauna nang lumakad si Jigo para lumabas ng compound.

Sumunod si Piolo matapos magpaalam sa sekyu.

(Itutuloy)

KAKAIBANG EBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with