_pang-masa
^

Punto Mo

No. 1 wanted criminal sa Sultan Kudarat, tiklo sa Rizal!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

LAHAT nang kasamaan ay may katapusan. Huli na nang matanto ni Dominador Asuncion Jr., 51, ang matandang kasabihan na ito, matapos maaresto siya sa Rizal sa kasong rape ng pamangkin ng misis niya sa Sultan Kudarat. Natakbuhan ni Asuncion ang kaso niya, nag-asawang muli at bumuo ng bagong pamilya. Kung sa akala ni Asuncion ay ligtas na siya, aba ‘yan ang kanyang malaking pagkakamali. Limang taon ding namuhay nang masarap si Asuncion, nagtrabaho bilang heavy equipment operator, para matustusan ang gastusin ng bagong pamilya.

Kaya lang, hindi talaga namamahinga ang batas dahil nakorner si Asuncion ng mga tauhan ni Col. Joseph Arguelles, Rizal provincial director, sa bahay niya sa Sitio Duhat, Brgy. San Isidro, Rodriguez noong Sabado. Hindi na siya “nanlaban” at baka madisgrasya pa siya. Araguuyyyy! Hak hak hak! Mahabang paghihimas ng rehas na bakal ang mararanasan ni Asuncion dahil no bail ang kaso niya!

Sinabi ni Col. William Santos, intelligence chief ng Rizal police na tatlong beses na ginahasa ni Asuncion ang 15-anyos na pamangkin ng misis niya sa Sultan Kudarat noong 2017. Imbes na harapin ang kaso, naglaho si Asuncion kaya inisyuhan siya ng arrest warrant ni Judge Milanio Guerrero, ng 12th Judicial Region Tacurong City Regional Trial Court (RTC) Branch 20. Walang bail na inirekomenda laban kay Asuncion.

Dahil sa kaso niya, si Asuncion ay nakalista bilang No. 1 most wanted person sa Sultan Kudarat. Pinaghanap siya ng mga pulis sa buong Region 12 subalit walang makapagsabi kung nasaan siya. Araguuyyyy! Hak hak hak! May ala-Palos din si Asuncion, ‘no mga kosa?

Ayon kay Santos, si Asuncion ay nagtago sa Rodriguez kung saan siya ay may malapit na kamag-anak kaya hindi siya matagpuan sa RPO12. Nag-asawa siyang muli at tahimik na namuhay matapos makapagtrabaho. Ang buong akala ni Asuncion, mabaon na sa limot ang kaso niya habang tumatagal ito. Kaya lang, inabot ng malas si Asuncion dahil naamoy ni Arguelles ang kumakalat na balita na wanted siya sa Sultan Kudarat kaya inutusan kaagad nito si Santos na makipag-coordinate sa PRO12.

Nang mapatunayan na wanted nga si Asuncion sa batas, hindi nag-aksaya ng panahon si Santos bumuo kaagad ng police team para arestuhin siya. Kasama ni Santos ang warrant section, PIU, RIU4-A, PIT Rizal at RMFB ng PRO12 nang magsadya sila sa bahay ni Asuncion at inaresto ito sa tulong ng isang asset. Araguuuyyyy! Swak si Asuncion, hehehe! Tapos na ang maliligayang araw ni Asuncion!

Nang kumprontahin ni Santos si Asuncion tungkol sa kaso niya sa Sultan Kudarat, aba inamin niya ito subalit idiniin na gusto rin ito ng biktima, hehehe! Feeling pogi si Asuncion, ‘no Lt. Col. Santos Sir? Sa ngayon, si Asuncion ay naghihimas ng rehas na bakal sa detention cell ng Antipolo police. Nakatakda siyang ibiyahe sa Sultan Kudarat para harapin ang rape case niya sa sala ni Judge Guerrero. Mabuhay sina Col. Arguelles at Lt. Col. Santos for a job well done! Abangan

 

SULTAN KUDARAT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with