^

Punto Mo

Kakaibang Eba (48)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

HINDI makapaniwala sina Piolo at Jigo sa ipinakitang photo sa cell phone ng sekyu.

Sila ngang dalawa ang nakunang tumatakbo palayo sa puno ng Balete. Kapwa sila nakasuot ng puting polo at black pants. Ang suot nilang iyon ay uniporme nila noong nag-aaral pa. Nakatalikod sila at parang masayang nagtatawanan pa.

“Di ba kayong dalawa ito? Nang kumprontahin ko kayong dalawa kahapon ay tumakbo kayo palabas ng gate ng school. Hindi ko na lang kayo hinabol dahil wala akong kasama sa puwesto ko. Kaya galit na galit ako sa inyo nang lumapit kanina. Kasi nga’y pinagbawalan ko na kayo kahapon na bawal na bawal lumapit sa punong balete pero hindi ninyo ako iniintindi.’’

Hindi makapagsalita sina Piolo at Jigo na para bang hindi makapaniwala sa nakuhang photo at sa mga sinabi ng sekyu.

“At isa pang pinagtataka ko e bakit kayo nakapasok dito sa loob gayung may nakapaskel na sa gate na sarado na ang school. Nabili na kasi ito at lalagyan ng mall.’’

Lalo nang natulala sina Piolo at Jigo. Wala naman silang nabasa sa gate. At kaya sila nakapasok ay dahil bukas na bukas ang gate na parang nag-aanyaya sa lahat na pumasok.

“O ano ang masasabi n’yo ngayon?’’

Si Piolo ang unang nakabawi sa pagkatulala at nag-paliwanag sa sekyu.

‘‘Manong kami nga yang nakunan mo pero hindi talaga kami nagtungo rito kahapon. At saka bakit nakaputi na polo at black pants kami riyan. Yang suot na ‘yan ay uniporme namin nung nag-aaral pa rito. At saka Manong, kaya kami nakapasok kanina e dahil bukas na bukas ang gate. At isa pa, hindi namin alam na pinagbili na pala ang school na ito.’’

“Oo nga Manong. Totoo ang sinasabi nitong kaibigan ko,” sabi ni Jigo.

Ang sekyu naman ang napatulala at maya-maya ay nagsalita.

“Palagay ko naengkanto tayo!’’

(Itutuloy)

vuukle comment

KAKAIBANG EBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with