^

Punto Mo

Lalaking nagtago sa cargo box para makalibre sa eroplano, gagawan ng pelikula ang kanyang karanasan!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

DISINUWEBE anyos si Brian Robson noong1965 nang magdesisyon siyang magtago sa cargo box para makauwi sa kanila sa Wales, United Kingdom.

Labing-isang buwan na kasi siyang naho-homesick sa pagiging overseas worker sa Australia pero hindi kaya ng $40 na suweldo niya ang $700 na ticket sa eroplano.

Dahil sa problema, nakaisip ng solusyon ang kanyang kaibigan.

Ito ay ang pagtatago niya sa isang kahon na kasing-laki ng isang mini-fridge at ipadadala siya bilang cargo sa isang flight patungong London.

Naging posible ang kanilang plano dahil may kakilala ang kaibigan niya na puwedeng magmanipula ng mga papeles at palabasin na ‘‘computer’’ ang laman ng kahon na kanyang pagtataguan.

Sa loob ng kahon, nagbaon si Robson ng maleta, unan, flashlight, libro at dalawang bote – isa para inuman at isa ay para kanyang ihian. Humigit kumulang na mga 36 na oras o dalawang araw ang biyahe patungong Wales.

Subalit ang inaasahan niyang 36 hour na biyahe ay naging apat na araw! Nagkaroon ng pagkakamali sa cargo at siya ay nadala sa Los Angeles, USA!

Nang matagpuan ng US customs official si Robson, ilang oras siyang inimbestigahan ng FBI dahil sa pag-aakala na isa siyang cold war spy.

Nang mapatunayan na isa lamang siyang stowaway, hindi na nagsampa ng kaso ang US immigrations at Australian immi­grations sa kanyang kasalanan. Binigyan pa siya ng US government ng libreng ticket pauwi sa kanyang bansa.

Ngayong 75-anyos na si Robson, maglalabas siya ng libro tungkol sa kanyang karanasan na may pamagat na “The Crate Escape”. Pumirma na rin siya sa isang film production company para isa­pelikula ang kanyang karanasan.

vuukle comment

AIRPLANE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with