^

Kakaibang Eba (47)

Ronnie M. Halos (Pang-masa) - April 20, 2021 - 12:00am

NAKITA nina Piolo at Jigo ang papalapit na sekyu. Nagmamadali at tila galit na galit ang sekyu.

‘‘Bakit parang galit ang sekyu, Jigo. Parang may nagawa tayong kasalanan.’’

“Bakit kaya?’’

“Bawal kaya rito?’’

Hanggang sa nakalapit sa kanila ang sekyu.

“Mga Sir sabi ko na sa inyo na huwag kayong tumambay diyan sa may punong balete. Kahapon ko pa kayo pinagsabihan!’’

“Bawal po ba ritong tumambay? Mga alumni po kami ng school na ito. At saka kararating lang po namin dito,’’ sabi ni Jigo.

“Kahapon ko pa kayo sinabihan e hindi n’yo ako pinapansin.’’

“Ngayon lang po kami dumating dito. Baka nagkakamali ka Sir,” sabi ni Piolo.

“Bakit ako magkaka-  mali e kayo ‘yung narito kahapon. Sinabihan ko na kayo na huwag tumambay dito.’’

Nagpanting na ang tay-nga ni Jigo.

“Kararating nga lang namin dito. Ngayon lang kami dumating.’’

“Kayo ang pinagsabihan ko. Kinunan ko kayo ng picture sa cell phone ko.’’

“Puwedeng makita ang picture mo sa cell phone Sir?” sabi ni Piolo na medyo asar na rin.

Si Jigo ay tatawa-tawa lang at hindi naniniwala.

Dinukot naman ng sekyu ang cell phone sa bulsa ng uniporme.

Ipinakita nito ang sinasabing picture.

Nagulat sina Piolo at Jigo sa nakita.

(Itutuloy)

KAKAIBANG EBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with