^
EDITORYAL - Kawawa ang mahihirap na bansa na umaasa sa bakuna

EDITORYAL - Kawawa ang mahihirap na bansa na umaasa sa bakuna

(Pang-masa) - April 19, 2021 - 12:00am

HINDI lamang ang Pilipinas ang naghihintay sa bakuna. Marami pang mahihirap na bansa. Masuwerte pa nga ang Pilipinas at kahit paano ay nakapagsimula nang magbakuna ng mga frontli-ners at nag-umpisa na rin para sa senior citizens. Sa ibang mahihirap na bansa, hindi pa dumarating ang bakuna o kung may dumating na ay kulang na kulang para sa kanilang health workers. Umaasa rin sila sa donasyong bakuna ng World Health Organization (WHO) mula sa COVAX facilities.

Isa mga dahilan kung bakit mabagal ang pagdating ng bakuna sa mga bansa na gaya ng Pilipinas ay sapagkat inuuna munang bigyan ang mga mayayamang bansa na nakapag-advance na ng bayad noon pa. Ang mga mahihirap na bansa na gaya ng Pilipinas ay “nakanganga” lang muna at hihintayin pang matapos ang pagdeliber sa mga mayayamang bansa. Kaya may apela ang WHO sa mga mayayamang bansa na huwag namang “kamkamin” ang bakuna. Kawawa naman ang mga nagdadahop na bansa na may karapatan din namang mabuhay.

Ang kakulangan ng bakuna ang naging dahilan kaya nasabi ni President Duterte noong Huwebes sa kanyang Talk to the People na marami pa ang mamamatay. Kulang na kulang aniya ang suplay ng bakuna laban sa COVID-19. Matagal pa raw ang pandemya at marami pa ang mamamatay dahil laging unavailable ang bakuna. Kung mayroon man daw dumarating ba bakuna galing sa China, paunti-unti at para lang ito sa mga health workers.

Sabi ng Food and Drug Administration (FDA), nahihirapan daw ang pamahalaan na makakuha ng suplay ng bakuna. Nakaabang lang daw ang FDA sa pharmaceutical companies na mag-aaplay ng emergency use authority (EUA). Kung walang mag-aaplay ng EUA, nganga ang FDA. Walang magagawa.

Sa kasalukuyan, pinag-uusapan ang Ivermectin na nakapagpapagaling daw laban sa COVID-19. Inamin ng FDA na dalawang ospital ang pinahintulutan nilang gamitin ito. Bakit hindi magsagawa ng pag-aaral ukol dito at kung epektibo, ibigay agad sa mga pasyente.

Bilisan ang trial sa virgin coconut oil at lagundi na umano’y may laban din sa COVID-19.

Simulan din ang pagdebelop ng sariling bakuna gaya ng ginawa ng India. Maraming Pinoy na siyentipiko na kayang gumawa ng bakuna.

Kung pawang aasa sa bakuna na nagmula sa mayayamang bansa, marami ang mamamatay sa paghihintay. Hindi nila uunahin ang mga Pinoy.

FDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with