^

Taas-baba sa quarantine restrictions, paulit-ulit lang!

RESPONDE - Gus Abelgas (Pang-masa) - April 19, 2021 - 12:00am

Ayon sa ilang eksperto, hindi umano gumagana ang ipinatutupad na modified enhanced community quarantine (MECQ) sa NCR Plus dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID.

Base kasi sa inilabas na data ng OCTA, muling tumaas ang growth rate ng infections na nasa 60 porsiyento,  kabaligtaran noong nagpatupad ng ECQ kung saan bumaba ito sa 20 porsiyento.

Muli ngang umalagwa ang COVID case nang paluwagin ang quarantine restrictions sa Metro Manila at apat na karatig na lalawigan.

Kaya eto na naman, sa kanilang pananaw dapat ay inextend na lang ang ECQ para tuluyan mapababa ang hawaan.

Ito ngayon ang kinatatakutan ng marami, baka paulit-ulit na lang ang mangyari.

Baka taas-baba na lang sa  quarantine restriction ang gawin na lalong makakaapekto sa kabuhayan ng marami nating mga kababayan.

Sakali na namang ilagay sa mas mahigpit na restriction, baka wala na ring maasahang tulong o ayuda ang mga mamamayan buhat sa nasyonal na pamahalaan.

Kung baga ubos na ang kaban kaya nga marahil kahit may panganib pa nang mataas na hawaan, eh unti-unti na ring binubuksan ang ekonomiya.

Maaaring ikatwiran dito ng pamahalaan, dalawa ang magiging kalaban sa kasalukuyan, ang mabangis na banta ng sakit at ang pagkalubog naman ng ekonomiya na kailangang matimbang,

Minsan kailangang harapin na rin talaga ito nang may pag-iingat,  kasabay sa paggalaw para naman sa kabuhayan.

Katulad sa ibang bansa na naka-lockdown pero tuloy ang hanapbuhay, kailangan din namang kumilos dahil baka nga ligtas ka sa COVID , sa gutom ka naman madadale.

Kailangan dyan balanse!

QUARANTINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with