^

Sinas, tinawag na ‘Victory Sunday’ ang operation vs CPP-NPA!

SUPALPAL - Non Alquitran (Pang-masa) - April 19, 2021 - 12:00am

HAPPY birthday Claudia!

• • • • • •

Umaabot na sa 78 hardcore na miyembro ng CPP-NPA ang sumuko sa gobyerno matapos mag-serve ng 45 search warrants ang militar at police sa Southern Tagalog noong Marso 7 kung saan, siyam na terorista ang napaslang at anim ang naaresto.

Sinabi ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Debold Sinas na ang mga surrenderee ay kasalukuyang nasa pangangalaga ni Brig. Gen. Felipe “Pipoy” Natividad, ang Calabarzon police director, kung saan pumasailalim sila sa proseso ng “Balik-Loob” na programa ng gobyerno. Ang mga sumukong rebelde ay tatanggap ng ayuda sa programa ng gobyerno ni President Digong na E-CLIP samantalang ang may dalang baril naman ay may kaakibat ding premyo, ani Sinas. Get’s n’yo mga kosa?

Subalit higit sa lahat, magiging tahimik na ang buhay ng mga sumukong rebelde dahil hindi na sila magtatago sa batas, kasama na ang kani-kanilang pamilya. Nasa kainitan sa ngayon ng kampanya ng militar at pulis para tupdin ang tagubilin ni President Digong na tuldukan na ang problemang dulot ng CPP-NPA bago matapos ang termino niya. Kaya tama lang na sumuko na sila dahil malaki ang posibilidad na susunod sila sa siyam na nalagas na miyembro nila kapag hindi nila ginawa ito, di ba mga kosa? Araguuyyyy! Hak hak hak!

Dahil sa makabagong armas at eavesdropping devices ng militar at pulis, malaki ang tsansang ma-goodbye na lang sa mundong ibabaw ang mga naligaw ng landas nating mga kapatid. Mismooooo!

Matatandaan na nag-serve ng 45 search warrants ang militar at pulis sa Southern Tagalog noong Marso 7 at siyam ang nalagas sa hanay ng rebelde, may naaresto pa at maraming armas, bala at kung anu-anong gamit ang nakumpiska.

Sa ulat ng PNP, 29 sa search warrants ang positibo subalit sa 28 target ng mga raiders siyam ang namatay sa engkuwentro, anim ang naaresto at siyam din ang at large. Ang lahat ng namatay, at nasukol sa hanay ng mga rebelde ay positibong itinuro ng kanilang mga kasamahan na naunang sumuko sa gobyerno na hardcore members ng CPP-NPA.

Siyempre, nag-iingay din ang mga front organizations ng CPP-NPA tulad ng Karapatan, Kadamay at Bayan Muna na ang nangyari ay isang massacre at binansagan nila itong “Bloody Sunday.” Subalit matapos ang insidente, isa-isang bumaba sa bundok o naglutangan ang iba pang rebelde at sumuko kaya ang insidente ay tinawag naman ni Sinas na “Victory Sunday.” Araguuyyyy! Hak hak hak! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Bakit sumuko ang mga rebelde? ‘Yan ang tanong! Kumalat kasi sa intelligence community na may second round ang pag-serve ng search warrants laban sa hardcore CPP-NPA members sa darating na mga araw. Hindi lang ‘yan! Dahil panahon ng pandemya, maraming negosyo ang nagsarahan kaya malaki ang ibinaba ng nakolekta nilang revolutionary tax.

Kung hirap man ang buhay ng mga rebelde sa bundok, aba ang CPP founder na si Jose Ma. Sison naman ay nagtatamasa sa pitsang ipinapadala nila sa abroad. Araguuyyyy! Hak hak hak! Nagising din sa wakas itong mga naligaw sa landas nating kababayan, no mga kosa? Abangan!

DEBOLD SINAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with