^

Kung ano ang itinanim…

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje (Pang-masa) - April 19, 2021 - 12:00am

IYON na ang huling misa ni Father Emilio sa kanyang parokya. Dadalhin na kasi siya ni Dr. Ric de la Cruz sa Amerika para doon magpagamot.

Ibinalita ito ni Father sa lahat ng dumalo sa misa. May brain cancer siya pero nag-uumpisa pa lang kaya malaki ang pag-asang gumaling pa.

Si Ric ay isa sa mga batang nagtitinda ng sampaguita sa tapat ng simbahan na pinamumunuan ni Father Emilio. Ang simbahan ay may katabing eskuwelahan.

Kung walang tindang sampaguita si Ric at ibang batang kalye, inuutusan ni Father ang mga ito na magdilig ng halaman sa school.

Ang kapalit nito ay meryendang  spaghetti mula fast sa food at juice o kaya kanin at fried chicken. Ayaw bigyan ng pera ni Father ang mga bata dahil baka lang ipansugal.

Minsan, nahuli ni Father si Ric na nakasilip sa bintana ng isang classroom na may nagkaklase. Kitang-kita sa mukha nito ang eagerness na matuto. Kinausap ito ni Father.

“Gusto mo bang mag-aral?”

“Opo.”

“Nasaan ang mga magulang mo?”

“Patay na po pareho. Nakikitira lang po ako sa malayong kamag-anak ng nanay ko.’’

Pinuntahan ng pari ang sinasabing guardian ni Ric. Ipinagpaalam na pag-aaralin niya ito at sa kumbento na titira.

Ang magsasampagitang bata na si Ric ay matalino pala.

Nakatapos siya ng medisina sa pamamagitan ng scholarship. Nagpakadalubhasa ito sa Amerika.

Nalaman ni Ric na maysakit si Father. Bumalik siya sa Pilipinas para siya naman ang kumalinga sa taong nag-ahon sa kanya sa kahirapan.

FATHER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with