^

Kakaibiang Eba (46)

Ronnie M. Halos (Pang-masa) - April 19, 2021 - 12:00am

NAMAMANGHANG nakatingin sina Piolo at Jigo sa malaking puno ng balete. Sa tingin nila ay walang pinagbago ang puno. Berdeng-berde pa rin ang mga dahon at ang mga nakalawit na parang bagin ay tila mga buhok na nakalugay. Ang mga ugat nito ay nag-litawan at nagsala-salabid na parang lubid na mukhang matibay at hindi mabubuwal ang puno.

‘‘May engkanto nga kaya diyan, Jigo?’’ tanong ni Piolo habang nakatingin sila sa puno.

“Naniniwala ka ba sa  engkanto, Piolo?’’

“Medyo. Ikaw?’’

Napahagikgik si Jigo.

“Hindi. Parang mahirap paniwalaan, Piolo. Siguro kung ako mismo ang makakaranas o makakakita e baka maniwala ako. Kailangan may matibay na ebidensiya bago ako mapaniwala.’’

‘‘Kaya naman ako naniniwala ay dahil nga sa nangyari sa teacher na si Mr. Felipe. Halos isang linggo siyang nawala. At nakita siya na nakaupo sa sanga ng punong balete. Hindi mo ba natatandaan yun. Grade 6 tayo nun, Jigo.’’’

“Hindi ko natatatandaan, Piolo. Baka absent ako ng mga nangyari yun. Parang nagkasakita yata ako.’’

“Tama! Nagkasakit ka nga nun. At kung hindi ako nagkakamali nagkasakit ka isang araw makaraan kang umakyat sa punong balete. Naglaro tayo rito. Umakyat ka at naglambitin ka sa malaking bagin na na-kabitin.’’

Nag-isip si Jigo.

“Umakyat ba ako diyan bago ako nagkasakit?’’

‘‘’Oo. Tuwang-tuwa ka habang nakalambitin sa bagin.’’

“Bakit hindi ko matandaan yun Piolo?’’

“Ang bilis mong makalimot.’’

“Ano raw ang naging sakit ko Piolo?’’

Pero hindi na nasagot ni Piolo ang tanong ni Jigo dahil nakita nila ang isang sekyu na palapit sa kanila at tila galit. Parang may nagawa silang kasalanan.

(Itutuloy)

TRUE CONFESSION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with