^

Punto Mo

EDITORYAL - Mananahimik na lang ba?

Pang-masa
EDITORYAL - Mananahimik na lang ba?

NAKAKAPAGTAKA ang katahimikan ng mga namumuno sa kabila nang ginagawa ng China na pag-okupa sa mga teritoryong sakop ng Pilipinas. Hanggang ngayon, hindi pa umaalis ang mga barko ng China sa Julian Felipe Reef. Sabi ng embahada ng China, nanganganlong lang doon ang mga barko dahil masama ang panahon. Isa pa, pawang mangingisda lang daw ang mga nasa barko. Dati na rin daw nangingis­da roon ang mga ito roon at laging nanganganlong.

Pero ang sagot ni Defense Sec. Delfin Lorenzana, hindi siya uto-uto para maniwala na nanganganlong lang mga barko ng China roon. Bakit daw manga-nganlong e wala namang sama ng panahon. Sinabihan ni Lorenzana ang mga ito na lisanin na ang Julian Felipe Reef dahil sakop ito ng Pilipinas at nasa exclusive economic zone ng bansa. “Umalis na kayo riyan!’’ sabi ni Lorenzana.

Maski si Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin ay nagbanta na aaraw-arawin ang paghahain ng protesta sa ginagawang pag-okupa ng China sa mga teritor­yong sakop ng Pilipinas. Naghain na sila ng protesta noong nakaraang buwan para umalis ang mga barko ng China sa Julian Felipe Reef. Kamakalawa, naghain uli sila ng protesta.

Nagpahiwatig naman ng pagkabahala si retired Supreme Court associate justice Antonio Carpio na baka gumawang muli ng istruktura sa West Philippine Sea (WPS) ang China gaya ng ginawa sa Scarbo-rough Shoal at iba pang teritoryo. Nararapat aniyang bantayan ang galaw ng China. Dapat umanong makipag-alyansa sa ibang bansa ang Pilipinas para may katuwang sa ginagawa ng China.

Bukod sa pag-okupa ng China sa WPS, nire-reklamo rin ang talamak na pangingisda ng mga ito sa karagatan ng Zambales. Ayon sa report, wala nang takot ang mga barkong pangisda ng China at halos ubusin na ang mga isda sa karagatang sakop ng Zambales. Dahil mga makabago ang makinaryang panghuli, halos ubusin na ang mga isda sa lugar at wala nang mahuli ang mga kawawang mangingisdang Pinoy. Wala nang pakialam at takot ang mga ito kahit hindi na nila teritoryo.

Sa kabila ng mga ito, nakabibingi ang katahimi-kan ng mga pinuno. Walang pagkondena sa ginagawa ng China. Hanggang kailan ba mananahimik?

vuukle comment

CHINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with